Ang nasabing eroplano ay nabangga ang isang Japan Coast Guard aircraft pagkatapos mag-landing sa Haneda Airport, ayon sa lokal na public broadcaster na NHK.
Iniulat ng NHK na base sa video na nakuha ng mga camera sa Haneda Airport, sumiklab ang apoy bandang alas-6 ng gabi oras ng Japan. Kitang-kita sa footage ang malakas na apoy na lumalabas mula sa bintana ng eroplano.
Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Police Department na lima sa anim na miyembro ng coastguard crew sa ibang eroplano ang namatay, habang malubha ang pinsala ng piloto, ayon sa ulat ng NHK.
Ang coastguard plane ay nagbabalak lumipad patungo sa Niigata upang makatulong sa disaster relief pagkatapos ng lindol sa Ishikawa noong Lunes.