Ang Kinatawan ng Taiwan sa Philipines Wallace Chow (周民淦) ay nagsabi noong Huwebes na ang Taiwan ay nag-donate ng 1,000 metrikong tonelada ng bigas sa Pilipinas. Ang bigas ay ipapamahagi sa pamamagitan ng Philippines Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Chow na dahil sa ilang bagyong tumama sa Pilipinas noong nakaraang taon, naapektuhan ang ani ng palay sa ilang probinsiya, na nagresulta sa malaking pagkukulang sa suplay ng bigas. Sinabi niya na ang Taiwan ay nangako na mag-donate ng 2,000 metrikong tonelada ng bigas sa kabuuan.
Ipinunto ng Taiwan representative office sa Pilipinas na upang makayanan ang kakulangan sa suplay ng pagkain dulot ng climate change, ang mga donasyong bigas ay gagamitin bilang karagdagang food security stock, at ipapamahagi sa pamamagitan ng mga relief program.
Sinabi ni Silvestre Bello III, chairman ng Manila Economic and Cultural Office at kinatawan sa Taiwan, sa isang talumpati na ang bigas na donasyon ng Taiwan ay makakatulong nang malaki upang maibsan ang paghihirap ng mga marginalized at vulnerable na mga tao sa Pilipinas.