close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang lutuing Taiwanese ay kahanga-hanga sa Czech Republic! Ang 9-square grid ay katangi-tanging nagpapakita ng mga katangian ng gourmet na pagkain

  • 10 September, 2024
  • 何薇薇
Ang lutuing Taiwanese ay kahanga-hanga sa Czech Republic! Ang 9-square grid ay katangi-tanging nagpapakita ng mga katangian ng gourmet na pagkain

Dumating sa Prague ang "Taiwanese Cuisine International Lecture Tour" ng Overseas Chinese Affairs Council. Itinampok ang Taiwanese food tasting event na iba't ibang dish tulad ng Shaoxing drunken chicken rolls, mullet roe cheese nut rolls, golden kimchi at iba pang dish sa "9-square lunch box", na nagpapakita ng mga mayamang katangian ng Taiwanese food sa mga Czech.

Ang mga Czech sa eksena ay nagsabi na ito ang kanilang unang pagkakataon na subukan ang pagkaing Taiwanese  na ibang-iba sa mga pagkain sa mga Chinese restawran sa Czech at mga ibang restawran sa Asya. " Baka next year pupunta tayo ng Taiwan." Sabi ng mga nakatikim.

Ang "Taiwanese Cuisine International Lecture Tour" na itinataguyod ng Overseas Chinese Affairs Council of the Republic of China ay ginanap sa Prague noong ika-5, ng Setyembre at pinagsama-samang inorganisa ng European Taiwan Fine Tea Society at ng Czech Taiwan Association.

Ang Taiwanese food tasting event ay pinamumunuan ni Zhang Keqin, ang executive chef ng Patasan Aboriginal-themed restaurant, at si Lu Kaiyuan, ang chef ng Tianxianglou restaurant sa Yadu Landis Hotel.  Pinagsama nito ang moderno at Eastern at Western na mga elemento, mula sa Amis cuisine, southern Fujian cuisine, at Hakka.  Ang mga pagkain ay mula sa tradisyonal na mga pagkaing nayon ng militar, kabilang ang Taiwanese golden kimchi, braised king oyster mushroom, mullet roe cheese nut rolls, Shaoxing drunken chicken rolls, Hakka preserved egg, soy-flavored Dongpo pork at pumpkin fried rice noodles, atbp . 7 sa isang 9-square  na lunch box.

Sinabi ni Zhang Keqin na umaasa siya na pagkatapos matikman ang pagkaing Taiwanese, magkakaroon ng mas malalim na interes ang mga Czech sa lutuing Taiwanese at pumunta pa sa Taiwan para tikman ang mas authentic na pagkain.

Comments

Latest Newsmore