Ang pangunahing pokus ng mga astronomer sa buwang ito ay ang "Zijinshan-Atlas" na kometa (C/2023 A3) na dumaan sa kalangitan. Noong (ika-16 ng oktubre), nagbigay ang Central Weather Bureau ng mga larawan na kuha sa Yushan Weather Station, na nagpapakita ng kometa kasama ang Yushan North Peak na may taas na 3,858 metro.
Ayon sa Taipei Astronomical Museum, ang "Zijinshan-Atlas" kometa ay dumaan sa pinakamalapit na punto nito noong ika-12nng oktubre, at tinatayang maaabot nito ang brightness na 2.5 magnitude, na ginawang pinakamaliwanag na kometa ng taon. Makikita ito sa kanlurang bahagi ng kalangitan pagkatapos ng paglubog ng araw hanggang sa katapusan ng buwan, at inirerekomenda ang paggamit ng binoculars o maliit na teleskopyo para sa mas madaling obserbasyon.
Inilabas ng Central Weather Bureau ang mga larawan ng "Zijinshan-Atlas" kometa na kuha noong ika-3 ng hapon sa Yushan Weather Station, kung saan makikita ang Yushan North Peak na nagbibigay ng pinakamataas na punto para sa pagmamasid ng kometa.
Ayon sa datos mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang kometang ito ay mayroong cycle na umabot ng ilang libong taon, kaya't maaaring ito na ang isang beses sa buhay na pagkakataon upang makita ito.