Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa Senado ngayong ika-28 upang tumestigo sa imbestigasyon hinggil sa kanyang masidhing kampanya laban sa droga. Mahigpit niyang ipinagtanggol ang kanyang ipinatupad na laban sa droga na nagresulta sa libo-libong pagkasawi.
Ayon sa pulisya, mahigit 6,000 katao ang nasawi sa operasyon laban sa droga, ngunit tinatayang libu-libo pa ang pinatay ng mga pulis at vigilante, karamihan sa mga ito ay mahihirap na kalalakihan at walang sapat na ebidensyang may kaugnayan sila sa droga, ayon sa mga grupo ng karapatang pantao.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang mga alegasyon na ang mga pagpatay na ito ay bahagi ng isang "krimen laban sa sangkatauhan" na sinang-ayunan ng estado.
Sinimulan ni Duterte, na ngayon ay 79 taong gulang, ang kanyang pahayag sa pagsasabing, “Huwag kuwestyunin ang aking polisiya. Hindi ako hihingi ng tawad at hindi ako magdadahilan. Ginawa ko ang nararapat, at ginawa ko ito para sa bansa, maniwala man kayo o hindi. Galit ako sa droga, at walang pag-aalinlangan dito."