Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, ang Bagyong Ginkgo ay dumaan sa Pilipinas noong ika-7 ng gabi, na nagwasak ng mga bubong at nagtulak sa libu-libong residente na lumikas. Lumabas na ito sa karagatan nuong, ika-8 nitong buwan ng Nobyembre, at nagsimulang magsagawa ng paglilinis ang mga awtoridad sa hilagang bahagi ng bansa para alisin ang mga punong binunot mula sa ugat at mga kalat na iniwan ng bagyo.
Mahigit 30,000 katao ang lumikas sa mga government shelters bago pa man tumama ang bagyo. Wala namang naiulat na mga nasawi dulot ng bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mga residente, at mga rescue personnel, ang bagyo ay nagdala ng hangin na may bilis na 175 kilometro bawat oras na nagdulot ng pagkawala ng kuryente, pagkaputol ng mga puno, at pagkasira ng mga bintana.
Ayon sa mga opisyal, nagdala ang Bagyong Ginkgo ng 242.6 millimeters na ulan sa loob ng 24 oras. Ayon kay Rueli Rapsing, disaster official ng lalawigan ng Cagayan, maraming puno ang na-uproot at may mga lugar na nagkaroon ng soil erosion, ngunit masuwerte silang walang naganap na malalang pagguho ng lupa.
Ayon sa Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bagyong Ginkgo ang pangatlong bagyong tumama sa Pilipinas sa loob ng isang buwan, kasunod ng Severe Tropical Storm Trami at Super Typhoon Kong rey, na nagdulot ng kabuuang 158 pagkamatay, karamihan ay dulot ni Trami.