Ang nakalalasong usok ay bumalot kahapon (November 14) sa Taj Mahal at Golden Temple sa India, na nagdulot ng pagkaantala sa mga flight. Sa maraming lugar, sobrang kapal ng usok kaya't mahirap makita ang paligid.
Sa taunang smog sa rehiyon, ang Lahore sa Pakistan ay naging pinaka-polluted na lungsod sa buong mundo. Ang pagsunog ng mga basura sa mga sakahan sa Punjab at Haryana sa India ay nagpalala pa ng polusyon.
Sa Agra, halos hindi makita ang Taj Mahal dahil sa makapal na usok. Ganun din sa Golden Temple sa Punjab, na tinabunan ng hamog.
Sa New Delhi, maraming flight ang naantala. Ayon sa Flightradar24, 88% ng mga departing flights at 54% ng mga arrival flights ay na-delay.
Sinisi ng mga opisyal ang polusyon, kahalumigmigan, mahihinang hangin, at pagbaba ng temperatura na nagdulot ng mababang visibility. Noong ika-13 ng Nobyembre, napilitang i-divert ang mga flights dahil sa malabo na visibility.
Dahil sa usok, marami ang nagpunta sa ospital, lalo na ang mga bata. Sinabi ni Dr. Sahab Ram sa Fazilka, Punjab, na dumami ang mga batang may ubo, sipon, at allergy, pati na rin ang mga kaso ng asthma.
Ayon sa mga meteorologist, ang temperatura sa New Delhi ngayon ay bumaba mula 17°C noong nakaraang araw sa 16.1°C.
Ang polusyon sa India ay nasa "severe" level na may AQI na 430. Ayon sa Ministry of Earth Sciences, ang polusyon sa New Delhi ay posibleng manatiling "severe" pa rin.
Ayon sa IQAir, ang Lahore sa Pakistan ang pinaka-polluted na lungsod sa buong mundo ngayong buwan dahil sa smog.