close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Super Typhoon "Man-yi" Tumama sa Pilipinas, 8 Patay; Humina at Papunta sa Vietnam

  • 21 November, 2024
  • 汪馬雪莉
Super Typhoon
Ang super typhoon

Matapos ang ikaanim na bagyo sa loob ng isang buwan, nagsimulang maglinis at mag-ayos ang mga Pilipino sa mga nasalantang lugar na winasak ng bagyo, nagdulot ng brownout, at nag-iwan ng hindi bababa sa 8 patay.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang super typhoon "Man-yi" ay maaaring magdulot ng "sakuna" noong nakaraang weekend. Gayunpaman, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pinsala ay "hindi kasingtindi ng ating ikinababahala."

Ang bagyong Man-yi ay nag-landfall sa Catanduanes noong gabi ng Nobyembre 16 at sumunod na tumama sa Luzon noong hapon ng Nobyembre 17, na may pinakamalakas na hanging umaabot sa 185 kilometro kada oras (115 mph).

Ang bagyo ay nagdulot ng pagbunot ng mga puno, pagkaputol ng mga linya ng kuryente, pagkasira ng maraming bahay, at mga landslide sa mga tinamaan nitong lugar.

Ayon sa mga tala mula sa pahayag ni Pangulong Marcos na nakuha ng Philippine media, sinabi niya: “Bagama't malakas ang Bagyong Pepito (tawag ng Pilipinas sa Bagyong Man-yi), ang epekto nito ay hindi kasing-grabe ng ating inaaasahan.”

Idinagdag ni Marcos, “Ipagpapatuloy natin ang mga rescue operations sa mga liblib na lugar at magbibigay pa rin ng tulong sa mga nawalan ng tahanan, walang makain, at walang suplay ng tubig.”

Ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Man-yi ay umakyat na sa 8, ngunit humina ang lakas ng bagyo habang tumatawid sa mga bundok ng Luzon. Sa ngayon, ito ay naging isang matinding tropical storm at papunta na sa Vietnam sa pamamagitan ng South China Sea.

Kada taon, ang Pilipinas at mga karatig-dagat nito ay tinatamaan ng humigit-kumulang 20 malalaking bagyo at typhoon, na nagdudulot ng maraming nasawi. Gayunpaman, ang sunud-sunod na pagdating ng maraming bagyo sa maikling panahon ay bihira.

Kakaiba rin ang timing ng pagdating ng Bagyong Man-yi, dahil karaniwang nagkakaroon ng tropical cyclone mula Hulyo hanggang Oktubre. Ngayong buwan lamang, may apat na bagyo na sabay-sabay na lumitaw sa Pacific Basin. Ayon sa Japan Meteorological Agency, ito ang unang pagkakataon mula 1951 na may ganitong sitwasyon sa Nobyembre.

Comments

Latest Newsmore