close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Naghain ang Pilipinas ng diplomatikong protesta laban sa China dahil sa banggaan ng mga barko sa South China Sea

  • 06 December, 2024
  • 呂曉倩
Naghain ang Pilipinas ng diplomatikong protesta laban sa China dahil sa banggaan ng mga barko sa South China Sea
Photo from AFP

Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas, naghain ito ng diplomatikong protesta laban sa China kaugnay ng insidente ng banggaan ng barko noong ika-4 ng buwang ito sa isang pinag-aagawang bahura sa South China Sea.

Nagpalitan ng mga akusasyon ang China at Pilipinas kaugnay ng insidente malapit sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal) noong ika-4 ng buwang ito. Inakusahan ng Pilipinas ang Chinese Coast Guard ng paggamit ng water cannon laban sa isang barkong Pilipino at pagbangga nito. Gayunpaman, iginiit ng China na ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad ng kontrol sa naturang barko alinsunod sa batas. Ang insidenteng ito ang pinakabagong kabanata sa matagal nang alitan sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa soberanya sa South China Sea.

Ayon sa datos ng DFA, ito ang ika-60 na diplomatikong protesta ng Pilipinas laban sa China ngayong taon, at ang ika-193 mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea, kabilang na ang Panatag Shoal. Gayunpaman, ikinagalit ito ng mga karatig-bansa tulad ng Pilipinas, Vietnam, Taiwan, Malaysia, at Brunei, na may kani-kaniyang inaangkin sa bahagi ng South China Sea.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague na ang mga inaangking teritoryo ng China sa South China Sea ay walang batayan sa pandaigdigang batas. Subalit, tinanggihan ng Beijing ang naturang desisyon.

Comments

Latest Newsmore