Simula Disyembre 21, magtatanghal ang pop diva na si A-Mei (張惠妹) ng limang concert para sa ASMR Maxxx @ Taipei Dome World Tour sa Taipei Arena, kabilang na ang espesyal na New Year’s Eve show sa Disyembre 31. Ang 150,000 tickets para sa limang palabas ay sold out na noon pa, ngunit may pagkakataon pa ang mga hindi nakabili na maranasan ang kagandahan ng kanyang concert. Inanunsyo nuong (Disyembre 17) ng Taiwan Mobile MyVideo na magkakaroon sila ng eksklusibong real-time livestream ng concert sa Taipei Arena sa mismong bisperas ng Bagong Taon. Magsisimula ito ng 11:55 ng gabi at magtatagal ng 15 minuto, na magbibigay sa mga fans sa buong Taiwan ng immersive experience upang damhin ang walang katulad na “A-Mei energy”!
Bukod sa 15-minutong livestream ng New Year’s Eve concert ni A-Mei, naghanda rin ang MyVideo ng mga espesyal na palabas para sa Disyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko. Kabilang dito ang dokumentaryong Superman: The Christopher Reeve Story, na naglalahad ng kuwento ng "orihinal na Superman" na si Christopher Reeve, na naging paralisado matapos mahulog sa kabayo. Sa kabila ng pagsubok, pinanindigan niya ang kanyang lakas ng loob sa tulong ng kanyang asawa at tatlong anak, na sa unang pagkakataon ay lumabas sa isang eksklusibong panayam sa harap ng kamera.
Ipapalabas din nang eksklusibo sa MyVideo ang Norwegian comedy na Damn You, Victoria, na nagsasalaysay ng kuwento ng dalawang anak na nag-upa ng hitman upang alisin ang kanilang madrasta. Ang pelikula ay nagwagi ng Audience Award para sa Best Film sa 2024 Kristiansand International Children's Film Festival.