Si Big S (Barbie Hsu) ay kamakailan lamang pumanaw sa Japan matapos magka-trangkaso na humantong sa pulmonya. Ang kanyang abo ay dinala pabalik sa Taiwan ng kanyang pamilya at pansamantalang nakalagak sa kanilang tahanan.
Noong Pebrero 7, lumabas ang balitang nais ng pamilya ni Big S na gamitin ang tree burial bilang paraan ng kanyang huling hantungan. Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Small S (Dee Hsu) sa pamamagitan ng kanyang manager, na nagsabing:
"Oo, dahil tuwing nagkikita-kita kami sa mga salo-salo, madalas naming napag-uusapan ang buhay at kamatayan. Lahat kami ay may kanya-kanyang opinyon tungkol dito. Naalala ko, sinabi ng ate ko noon na kung sakaling dumating ang araw ng kanyang pagpanaw, gusto niyang magkaroon ng isang eco-friendly tree burial. Kaya ngayon, kasalukuyan naming inaasikaso ang proseso ng aplikasyon."
Dagdag pa niya:
"Sa ngayon, pansamantala muna naming inilagak ang abo ng aking mahal na ate sa aming tahanan, kung saan siya ay pinaliligiran ng init at pagmamahal. Kapag naaprubahan na ang aming aplikasyon, hahayaan namin ang kanyang abo na bumalik sa kalikasan, tulad ng kanyang kagustuhan."