close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Para Maiwasan ang Banta ng Tsina, Senado ng Pilipinas Inaprubahan ang Kasunduan sa Mutual Access Kasama ang Japan

  • 31 December, 2024
  • 何薇薇
Para Maiwasan ang Banta ng Tsina, Senado ng Pilipinas Inaprubahan ang Kasunduan sa Mutual Access Kasama ang Japan

Nung (ika-16)araw, inaprubahan ng Senado ng Pilipinas ang isang "Mutual Access Agreement" (RAA) kasama ang Japan. Ang kasunduang ito ay magpapahintulot sa pagpapadala ng mga puwersang militar ng bawat bansa sa teritoryo ng isa’t isa. Parehong nag-aalala ang dalawang bansa sa lumalakas na presensiya ng Tsina sa rehiyon.

Ito ang kauna-unahang mutual access agreement na nilagdaan ng Japan sa Asya. Magbibigay-daan ito sa paggamit ng mga kagamitan at puwersa ng magkabilang panig para sa pagsasanay sa labanan at pagtugon sa mga kalamidad, kaya’t mas magiging maayos ang kanilang kooperasyong militar.

Lahat ng 19 na senador ng Pilipinas na dumalo sa sesyon ngayong araw ay bumoto pabor sa kasunduan. Dumalo rin si Kazuya Endo, ang embahador ng Japan sa Maynila, bilang saksi sa okasyon.

Ayon kay Francis Escudero, Pangulo ng Senado ng Pilipinas: "Ang kasunduang ito ay opisyal nang itinuturing na aprubado." Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan ng mga kalihim ng depensa at panlabas ng Japan at Pilipinas noong Hulyo ng taong ito, ngunit kinakailangan ng pag-apruba ng Kongreso bago ito maging epektibo.

Ipinapalagay ng Tsina na halos buong South China Sea ay bahagi ng kanilang teritoryo. Ang lugar na ito ay pangunahing ruta ng kalakalan mula sa Hilagang-Silangang Asya patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Bukod sa Tsina, may kani-kaniyang pag-aangkin din ang Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan, at Vietnam.

Samantala, patuloy din ang tensiyon sa pagitan ng Japan at Tsina sa East China Sea, kung saan madalas magkaroon ng sagupaan sa paligid ng mga pinag-aagawang isla.

Bukod sa Japan, may umiiral ding Visiting Forces Agreement ang Pilipinas sa Estados Unidos at Australia

Comments

Latest Newsmore