close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Trump Bumuo ng Task Force para sa Cryptocurrency, Magtatakda ng Bagong Regulatory Framework

  • 01 February, 2025
  • 汪馬雪莉
Trump Bumuo ng Task Force para sa Cryptocurrency, Magtatakda ng Bagong Regulatory Framework
Illustrative image of cryptocurrency. (Freepik Image Library)

Nilagdaan ni U.S. President Donald Trump ang isang executive order na nagtatag ng isang cryptocurrency task force na magdidisenyo ng bagong regulatory framework para sa digital assets at susuri sa posibilidad ng pagbuo ng reserbang cryptocurrency.

Ayon sa ulat ng Reuters, bahagi ng kautusan ang proteksyon ng mga serbisyo sa bangko para sa mga cryptocurrency businesses at ang pagbabawal sa paglikha ng central bank digital currency (CBDC) na maaaring makipagkumpitensya sa kasalukuyang cryptocurrencies.

Ang hakbang na ito ay katuparan ng pangako ni Trump noong kampanya na maging "crypto president" at isulong ang paggamit ng digital assets.

Ang inisyatibong ito ni Trump ay salungat sa mas mahigpit na regulasyon sa cryptocurrency sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joe Biden, na nagsampa ng mga kaso laban sa mga malalaking cryptocurrency exchanges tulad ng Coinbase, Binance, at Kraken dahil sa umano’y paglabag sa batas ng U.S., kabilang na ang pandaraya at money laundering.

Ang task force ay binubuo ng mga pinuno mula sa Department of the Treasury, Department of Justice, Securities and Exchange Commission (SEC), Commodity Futures Trading Commission (CFTC), at iba pang ahensya. Ang kanilang pangunahing layunin ay ang pagbuo ng mga patakaran sa digital assets tulad ng stablecoins na nakaangkla sa halaga ng dolyar.

Dagdag pa rito, ang grupo ay magsusuri sa posibilidad ng paglikha at pagpapanatili ng pambansang reserba ng digital assets na maaaring magmula sa mga cryptocurrency na legal na nakumpiska sa ilalim ng pagpapatupad ng batas.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, hinirang ni Trump si David Sacks, dating COO ng PayPal, bilang pinuno ng artificial intelligence (AI) at cryptocurrency affairs. Sa ilalim ng executive order na nilagdaan noong ika-23 ng Enero, si Sacks ang mangunguna sa nasabing task force.

Ayon sa mga eksperto sa regulasyon at cryptocurrency, kung maipapatupad ang mga panukalang ito, maaaring itulak ng mga patakaran ni Trump ang mas malawakang pagtanggap sa cryptocurrency bilang bahagi ng mainstream na ekonomiya.

Comments

Latest Newsmore