close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Kalihim ng Depensa ng Pilipinas Nakipagpulong sa Bagong U.S. National Security Advisor, Kumpirmadong Matatag ang Alyansang Pangseguridad

  • 29 January, 2025
  • 何薇薇
Kalihim ng Depensa ng Pilipinas Nakipagpulong sa Bagong U.S. National Security Advisor, Kumpirmadong Matatag ang Alyansang Pangseguridad

Kamakailan, bumisita sa White House si Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro upang makipagpulong kay U.S. National Security Advisor Mike Waltz. Sa kanilang pagpupulong, muling pinagtibay ng dalawang panig ang "matibay at matatag" na alyansang pangseguridad sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Dahil dito, ang Pilipinas ay isa sa mga unang bansa na nakipag-usap sa administrasyon ni Donald Trump hinggil sa mahahalagang usaping pangseguridad.

Ayon sa pahayag ng Philippine Department of National Defense noong gabi ng  ika 23 ng Enero, dumalo rin sa pagpupulong si Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, na kasama ni Teodoro sa pagbisita sa White House upang makaharap si Waltz.

Nagpahayag naman ng pagpapahalaga at pasasalamat si Waltz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang pagsuporta sa karapatan ng malayang paglalayag (freedom of navigation) at sa pagtataguyod ng isang pandaigdigang kaayusan na nakabatay sa batas (rule-based international order).

Samantala, binigyang-diin ng bagong U.S. national security team ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan sa Pilipinas, pagpapalawak ng bilateral security activities, at pagsuporta sa "kalayaan at pandaigdigang kaayusan" (free and global) sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Comments

Latest Newsmore