close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Higit Isang Daang Kababaihang Thai Naloko at Pinilit sa Pagkuha ng Itlog sa Ibang Bansa; Thailand at Georgia Iniimbestigahan ang Human Trafficking Syndicate

  • 12 February, 2025
  • 何薇薇
Higit Isang Daang Kababaihang Thai Naloko at Pinilit sa Pagkuha ng Itlog sa Ibang Bansa; Thailand at Georgia Iniimbestigahan ang Human Trafficking Syndicate

Ayon sa ulat ng Reuters ngayong Pebrero 7, isinasagawa ngayon ang isang imbestigasyon sa human trafficking syndicate matapos ibunyag ng isang non-government organization (NGO) sa Thailand na higit isang daang kababaihang Thai ang naloko at dinala sa bansang Georgia sa Timog Caucasus, kung saan sila ay pinilit buwan-buwan na sumailalim sa egg extraction procedures.

Ang Pavena Foundation for Children and Women, isang nonprofit organization sa Thailand, kasama ang ilang biktima, ay nagsagawa ng isang press conference noong Pebrero 3 upang isapubliko ang kanilang sinapit.

Isa sa mga biktima ang naglahad na nakakita siya ng isang advertisement sa social media na nag-aalok ng legal na surrogacy. Ayon sa ad, maaari siyang kumita ng 25,000 Thai baht (742.94 USD) kada buwan bilang isang surrogate mother. Matapos niyang pumayag, isang grupo ang nagdala sa kanya mula Thailand patungong Dubai at Armenia, bago siya dumating sa Georgia. Sa kanyang pagdating, dalawang lalaking Intsik ang nagsama sa kanya sa isang bahay.

"Dinala nila kami sa isang bahay kung saan may nakatira nang 60 hanggang 70 kababaihang Thai. Sinabi ng mga babae roon na walang kontrata para sa surrogacy at wala ring mga magulang na naghahanap ng surrogate mother."

Ayon pa sa biktima, iniinjectan sila ng mga gamot para sa isang medical procedure, pinaiinom ng pampatulog, at pagkatapos ay ginagamitan ng makina upang kunin ang kanilang mga itlog.

"Nang nalaman namin ang tunay na sitwasyon, natakot kami at sinubukan naming makipag-ugnayan sa aming mga pamilya sa Thailand."

Dalawa pang biktima ang nagsabing nagpanggap silang may sakit upang maiwasan ang sapilitang egg extraction. Idinagdag pa nila na kinuha ang kanilang mga pasaporte at mahigpit na kinontrol ang kanilang galaw. Sinabihan pa sila ng mga nagkulong sa kanila na kung babalik sila sa Thailand, maaari silang hulihin.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Thailand at Georgia upang matukoy ang sindikatong nasa likod ng human trafficking na ito at mailigtas ang iba pang biktima.

Comments

Latest Newsmore