close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Chinese Scam Syndicate Nagkubli sa Sosyal na Condominium sa Malaysia, Arestado ang 14 katao

  • 25 February, 2025
  • 何薇薇
Chinese Scam Syndicate Nagkubli sa Sosyal na Condominium sa Malaysia,  Arestado ang 14 katao

Isang sindikato ng Chinese scammers ang lumipat mula sa Pilipinas patungo sa Malaysia upang magtayo ng kanilang operasyon. Ginamit nila ang mga high-end na condominium sa Kuala Lumpur bilang taguan habang nanloloko ng mga biktima gamit ang pakana ng "laro para manalo ng malaking premyo." Matapos magbayad ang mga manlalaro upang sumali sa isang online gaming platform, saka lang nila napagtanto na sila’y naloko. Batay sa impormasyong natanggap, naaresto ng Malaysian police ang 12 Chinese nationals at 2 lokal na lalaki.

Ayon sa mga ulat ng Guang Ming Daily at The Star, ginagamit ng sindikato ang chat rooms at social media upang magpakalat ng kanilang panloloko. Nang-aakit sila ng mga Chinese players gamit ang pangakong libreng computers at luxury bags kapalit ng pag-download ng isang gaming app. Kailangan munang magbayad ang mga manlalaro upang makapasok sa platform, at kung may teknikal silang problema, may customer service na remote-controlled ng scammers. Ngunit kapag nagbayad muli ang mga manlalaro para magpatuloy sa laro, bigla nang hindi na sila makakontak sa customer service, at nawawala na rin ang kanilang pera.

Ayon sa ulat, ang lider ng grupo ay isang lalaking Chinese national na bumili ng walong (8) high-end na condominium sa Kuala Lumpur upang pagtakpan ang kanilang operasyon. Noong Pebrero 19, isinagawa ng Malaysian police ang isang raid kung saan 14 katao ang naaresto.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang higit 7 milyong Malaysian ringgit (tinatayang 490 milyong piso) mula sa sindikato, pati na rin ang mga computer, passport, at isang SUV na pinaniniwalaang gamit sa iligal na gawain. Ang mga miyembro ng sindikato ay tumatanggap ng buwanang sahod mula 3,000 hanggang 7,000 Malaysian ringgit.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso sa ilalim ng Section 420 ng Malaysian Penal Code, na nagpapataw ng parusang 1 hanggang 10 taong pagkakakulong, pagpalo (whipping), o multa para sa mga mapapatunayang sangkot sa pandaraya.

Comments

Latest Newsmore