close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Beijing: 3 Pilipinong espiya nahuli, nagpahayag ng pagsisisi sa CCTV News

  • 07 April, 2025
  • 何薇薇
Beijing: 3 Pilipinong espiya nahuli, nagpahayag ng pagsisisi sa CCTV News

Inanunsyo nung (ika-3 ng Abril) ng Ministri ng Seguridad ng Estado ng Tsina na kanilang nabunyag ang isang kaso ng espiya. Tatlong Pilipinong mamamayan ang naaresto at lumabas sa balita ng CCTV kung saan ipinahayag nila ang kanilang pagsisisi.
Ayon sa tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs na si Guo Jiakun, dati na raw gumawa ang panig ng Pilipinas ng ilang kwento tungkol sa umano'y espiya mula Tsina. Hiniling niya sa Pilipinas na maging patas sa paghawak ng mga kasong kinasasangkutan ng mga mamamayang Tsino.

Iniulat ng state media na CCTV News nuong ika5 ng Abril na, matapos ang masusing imbestigasyon, matagumpay na nawasak ng mga pambansang ahensiya ng seguridad ng Tsina ang isang network ng paniniktik na itinayo umano ng mga ahensiyang militar ng Pilipinas sa loob ng China. Tatlong Pilipino ang naaresto sa kasong paniniktik.

Ayon sa ulat, mula pa noong 2021, isang espiya ng militar ng Pilipinas na si Herrera ang nag-recruit ng tatlong Pilipinong naninirahan sa Tsina upang maging undercover agents. Ginamit umano ang kanilang kabuhayan at pamumuhay sa China bilang advantage upang sanayin sila sa espiya at gampanan ang mga lihim na misyon.

Ang tatlong ito ay lumantad sa balita ng CCTV at nagpahayag ng kanilang pagsisisi sa kanilang mga ginawa.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na si Claire Castro noong Marso 3 na sisiyasatin ng mga awtoridad ang mga donasyon at iba pang ayuda na ibinigay sa mga grupong may kaugnayan umano sa Communist Party of China upang malaman kung ito ba ay talagang bukal sa kalooban o may ibang layunin.

Comments

Latest Newsmore