close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

U.S. aprubado ang bentahan ng F-16 fighter jets sa Pilipinas; Beijing: Banta ito sa kapayapaan ng rehiyon

  • 07 April, 2025
  • 何薇薇
U.S. aprubado ang bentahan ng F-16 fighter jets sa Pilipinas; Beijing: Banta ito sa kapayapaan ng rehiyon

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), matapos ianunsyo ng Estados Unidos na aprubado na ang pagbebenta ng 20 F-16 fighter jets sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $5.58 bilyon, naglabas ng babala nuong araw (ika-2 ng Abril) ang China. Hinikayat ng Beijing ang Pilipinas na huwag maging banta sa “kapayapaan ng rehiyon.”

Ayon kay Guo Jiakun, tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina:

“Anumang kooperasyong pangdepensa at pangseguridad na isinasagawa ng Pilipinas sa ibang bansa ay hindi dapat nakatuon laban sa ikatlong panig o nakakasama sa interes ng iba, lalo na’t hindi dapat maging banta sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon, o magpalala ng tensyon.”

Samantala, iniutos ni Heneral Romeo Brawner, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, noong ika-1 ng Abril na simulan na ng mga yunit ang pagbuo ng plano ng aksyon bilang paghahanda sa posibilidad ng pagsalakay sa Taiwan.

Kaugnay nito, muling nagbabala si Guo Jiakun sa isang regular na press briefing ngayong araw, na huwag magsalita ng mga “walang basehan” kaugnay sa isyu ng Taiwan.

Dagdag pa niya, “Ang mga naglalaro ng apoy ay sila ring masusunog.”

Sa kanyang talumpati sa isang kampo sa hilagang bahagi ng Luzon noong ika-1 ng Abril, sinabi ni Brawner:

“Kung may mangyari sa Taiwan, hindi maiiwasang madadamay tayo.”

Binigyang-diin din niya na isa sa mga magiging tungkulin ng militar ay ang “pagsagip” sa humigit-kumulang 250,000 Pilipinong manggagawa sa Taiwan kung sakaling magkaroon ng krisis doon. Gayunpaman, hindi niya idinetalye kung paano isasagawa ang operasyon ng militar para rito.

Comments

Latest Newsmore