close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagpupulong ng U.S. Defense Secretary at PBBM: Muling pinagtibay ang matatag na pangako sa Mutual Defense Treaty ng U.S. at Pilipinas

  • 08 April, 2025
  • 何薇薇
Pagpupulong ng U.S. Defense Secretary at PBBM: Muling pinagtibay ang matatag na pangako sa Mutual Defense Treaty ng U.S. at Pilipinas

Bumisita nuong (ika-28 ng Marso) sa Maynila, Pilipinas si U.S. Secretary of Defense Pete Hegseth, kung saan muling ipinahayag ang matibay na pangako ng Estados Unidos sa Mutual Defense Treaty (Kasunduang Pantanggulan) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Binanggit din niya na dahil sa mga kilos ng China, kailangan ng matibay na puwersang panangga sa South China Sea.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., kapwa nila binigyang-diin ang patuloy na pagpapalakas ng kooperasyon sa gitna ng lumalalang banta mula sa China. Ipinahayag ng dalawang panig ang kanilang layunin na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pasipiko at South China Sea.

Ayon kay Hegseth:

“Dahil sa banta ng komunistang China, ang pagkakaroon ng puwersang panangga ay mahalaga saan mang bahagi ng mundo—lalo na sa rehiyong ito, sa inyong bansa.”

Dagdag pa niya:

“Ipinapaabot din ni Pangulong Trump ang kanyang pagbati. Mahal na mahal niya ang bansang ito, at tapat siyang sumusuporta sa ating alyansa, pagkakaibigan, at kooperasyon.”

Tinukoy ni Hegseth:

“Kami ni Pangulong Trump ay nais ipahayag ang aming matatag na suporta hindi lang sa Mutual Defense Treaty kundi pati sa ating ugnayang pang-ekonomiya at pangmilitar.”

Nagpahayag din si Pangulong Marcos Jr. ng kanyang pangakong makipagtulungan nang malapit sa Estados Unidos upang mapanatili ang katatagan ng rehiyon. Ayon sa kanya, ang pagbisita ni Hegseth ay malinaw na pahiwatig ng suporta ng Amerika sa kanilang kaalyado.

“Malinaw na mensahe ito na nagpapakita ng ating dalawang bansa na kapwa nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pasipiko at South China Sea.”

Samantala, bago pa man dumating si Hegseth sa Pilipinas, nagpahayag ng pagtutol ang tagapagsalita ng Ministry of National Defense ng China na si Wu Qian, na nagsabing hindi dapat makasama sa seguridad ng ibang bansa ang ugnayang militar sa pagitan ng U.S. at Pilipinas.

Sa isang press conference noong ika-27 ng Marso, sa Beijing, sinabi ni Wu Qian:

“Kung titingnan natin ang kasaysayan, ang Estados Unidos ay may nakagugulat na rekord sa paglabag sa mga pangako at pagtalikod sa mga kaalyado nito.”

Comments

Latest Newsmore