close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inanunsyo ang military drill ng PLA; DFA: “Tsina ay tagalikha ng gulo”

  • 08 April, 2025
  • 何薇薇
Inanunsyo ang military drill ng PLA; DFA: “Tsina ay tagalikha ng gulo”

Kaugnay sa isinagawang military drill ng People’s Liberation Army (PLA) ng China sa paligid ng Taiwan, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nuong (ika-1 ng Abril) na ito ay muling hamon sa pandaigdigang kaayusang nakabatay sa mga alituntunin. Ayon sa DFA, ang hakbang na ito ay isang unilateral na pagkilos na lubhang nakakasira sa katatagan ng Taiwan Strait at ng rehiyon, at malinaw na patunay na ang China ay isang tagalikha ng gulo sa rehiyon at sa buong mundo.
Mariin itong kinondena ng DFA at nanawagan sa China na agad na itigil ang walang basehang mga provokasyong militar.

Inihayag ng Eastern Theater Command ng PLA na magsasagawa sila ng pinagsamang military exercises sa paligid ng Taiwan. Ayon sa DFA, sa nakalipas na panahon ay tuloy-tuloy ang ginagawang mga hakbang ng Tsina—militar, provokasyon, at mga aktibidad sa tinatawag na "gray zone"—hindi lamang sa paligid ng Taiwan kundi pati na rin sa New Zealand, Australia, Japan, South Korea, Pilipinas, at South China Sea.

Ayon kay DFA spokesperson Hsiao Kuang-wei:

“Ang patuloy na paghamon sa pandaigdigang kaayusan at pagsira sa kasalukuyang estado ng rehiyon ay malinaw na nagpapakita na ang Tsina ay walang duda na tagagawa ng gulo sa buong mundo at rehiyon.”

Binanggit din ng DFA na ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait ay matagal nang pandaigdigang konsensus at naaayon sa interes ng lahat ng panig. Ngunit sa kabila nito, patuloy ang China sa paggamit ng military drills para takutin ang Taiwan at mga karatig-bansa, sinisira ang kasalukuyang status quo sa Taiwan Strait at ang seguridad ng Indo-Pacific region.

Dagdag ng DFA, ang ganitong mga hakbang ay hindi rin nakakatulong sa imahe ng China sa mata ng mundo, kaya muling nanawagan ang DFA sa China na itigil ang mga agresibong aksyon, bumalik sa tamang landas, at magsimula ng makatuwirang diyalogo.

Binigyang-diin din ng DFA na bilang isang responsableng miyembro ng pandaigdigang komunidad, ang Taiwan ay patuloy na makikipagtulungan sa mga bansang may kaparehong paniniwala upang itaguyod ang kapayapaan, katatagan, at maunlad na pag-unlad sa rehiyon at buong mundo.

Samantala, hindi na pinatulan ng DFA ang paggamit ng China ng mga hindi makatwiran at hindi diplomatikong salita sa kanilang pahayag.

Comments

Latest Newsmore