close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Epekto ng Taripa ni Trump, Nagbukas ng Oportunidad — Ayon sa Negosyanteng Taiwanese: Pilipinas, Ideal na Lokasyon para sa Pagkakalat ng Produksyon

  • 14 April, 2025
  • 何薇薇
Epekto ng Taripa ni Trump, Nagbukas ng Oportunidad — Ayon sa Negosyanteng Taiwanese: Pilipinas, Ideal na Lokasyon para sa Pagkakalat ng Produksyon

Ipinatupad ni Pangulong Trump ng Estados Unidos ang mga bagong taripa bilang bahagi ng kanyang patakarang "pantay na buwis." Bagamat pansamantalang ipinagpaliban ito ng 90 araw, ang kawalan ng katiyakan sa kanyang mga polisiya ay nagtulak sa maraming dayuhang negosyante na humanap ng alternatibong lugar para ilipat ang bahagi ng kanilang produksyon. Sa mga ito, ang Pilipinas ay nakikitang isang ideal na alternatibo dahil sa  mas mababang taripa.

Noong ika-2 ng buwan ng Abril nagpatupad si Trump ng bagong taripa sa ilang mga bansa. Bagamat kabilang ang Pilipinas sa mga apektado, 18% lamang ang ipinataw na buwis — mas mataas lang ng kaunti kaysa sa Singapore (10%), at mas mababa kumpara sa Cambodia (49%), Vietnam (46%), Thailand (37%), Indonesia (32%), at Malaysia (24%).

Ang Subic Bay Freeport Zone ay isa sa mga pangunahing lugar para sa paggawa at pag-export sa Pilipinas. Mahigit sa 1,800 kompanya ang kasalukuyang nakabase rito, kabilang na ang halos 100 kumpanyang mula sa Taiwan. Marami ang nagbabantay kung maaapektuhan ang mga ito ng bagong patakaran.

a. Pagkakataon dahil sa Polisiya at Heograpikal na Bentahe

Ayon kay John Aquino, Deputy Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority, bagamat may epekto sa export industry ng Pilipinas ang bagong taripa, maaari rin itong magbukas ng bagong oportunidad para sa dayuhang pamumuhunan. Aniya, may ilang investor na maaaring isaalang-alang ang paglilipat ng kanilang linya ng produksyon sa Pilipinas upang makaiwas sa mataas na buwis.

Dagdag pa ni Aquino, malaking tulong ang bagong nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre — ang "CREATE MORE"

b.Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigoration of the Economy). Kalakip nito ang mga insentibo sa buwis at iba pang benepisyo sa Subic Bay Freeport na inaasahang makakaakit ng mas maraming mamumuhunan.

Layunin ng CREATE MORE na magbigay ng mas maraming benepisyo sa buwis at gawing mas madali ang pagnenegosyo upang mahikayat ang lokal at dayuhang pamumuhunan, at maitampok ang Pilipinas bilang isang global investment hotspot.

Comments

Latest Newsmore