close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Gamit ang AI, Google Nilabanan ang Masasamang Uri ng Mga Patalastas — 5.1 Bilyon Inalis Noong 2024

  • 23 April, 2025
  • 何薇薇
Gamit ang AI, Google Nilabanan ang Masasamang Uri ng Mga Patalastas — 5.1 Bilyon Inalis Noong 2024

Nuong (Abril 16), inilabas ng Google ang ulat hinggil sa kaligtasan ng mga patalastas para sa taong 2024, kung saan ipinaliwanag kung paano nila pinalalakas ang pagtugon laban sa masasamang uri ng ads gamit ang artificial intelligence (AI). Ayon sa ulat, higit sa 5.1 bilyong patalastas ang inalis ng Google, 9.1 bilyon naman ang nilagyan ng limitasyon, at mahigit 39.2 milyong ad accounts ang nasuspinde.

Ayon kay Alex Rodriguez, General Manager ng Ads Safety ng Google, sa kanilang opisyal na blog post, ginamit ng Google ang generative AI noong 2023 upang pabilisin ang pagrepaso ng nilalaman, tugisin ang mga lumalabag, at palakasin ang pagpapatupad ng mga polisiya. Sa 2024, naging mas mahalaga ang papel ng AI hindi lamang sa pagtanggal ng masasamang patalastas, kundi pati sa pagpigil sa mga manloloko na makapasok sa Google ecosystem.

Mula Disyembre 15, 2023, ipinagbawal na ng Google ang paglalathala ng anumang political ad sa Taiwan na nagpo-promote ng mga partido politikal, kasalukuyang halal na opisyal, o kandidato sa halalan.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency sa mga political ads, nauna rin ang Google sa pagpapakilala ng patakaran na kailangang isiwalat kung ang ad ay may AI-generated content.

Sa nakaraang taon, mahigit 8,900 bagong political advertisers ang naverify ng Google, at higit 10.7 milyong political ads mula sa mga hindi verified na account ang inalis.

Comments

Latest Newsmore