close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

England FA, Ipinagbawal ang Transgender na Babae sa Women’s Football

  • 02 May, 2025
  • 呂曉倩
England FA, Ipinagbawal ang Transgender na Babae sa Women’s Football
Photo from thefa.com

Inanunsyo noong Mayo 1 ng Football Association (FA) ng England na simula Hunyo 1, 2025, hindi na papayagan ang mga transgender na babae na lumahok sa mga kompetisyong pambabae sa football.

Ito ay kasunod ng naging desisyon ng Supreme Court ng UK noong nakaraang buwan, kung saan nilinaw na ang legal na depinisyon ng “babae” ayon sa Equality Act ay tumutukoy sa biyolohikal na kasarian.

Bilang tugon, binago ng FA ang kanilang patakaran batay sa naturang desisyon.

Nagpahayag din ang Scottish Football Association (SFA) kahapon na magpapatupad ito ng kaparehong pagbabawal simula sa 2025/26 na season.

Sasaklawin ng bagong panuntunan ang lahat ng antas ng football ng kababaihan—propesyonal at amateur—sa England at Scotland.

Bago ang desisyon ng korte, pinapayagan pa ng FA ang mga transgender women na sumali sa women’s football basta’t kontrolado ang kanilang testosterone level.

Ngunit ngayon, pinagtibay ng bagong patakaran na may kapangyarihan na ang FA na magdesisyon kung papayagan ang mga transgender women, batay sa mga isyung may kaugnayan sa kaligtasan at patas na laro.

Ayon sa pahayag ng FA: “Nauunawaan namin na ito ay magiging mahirap para sa mga nais maglaro gamit ang kasariang kanilang kinikilala. Nakikipag-ugnayan kami ngayon sa mga transgender women na rehistrado upang ipaliwanag ang mga pagbabagong ito.”

Sa hiwalay na pahayag ng Scottish FA: “Bilang isang sport na naapektuhan ng kasarian, nagpasya ang board ng Scottish FA na simula 2025/26 season, tanging mga manlalarong biyolohikal na babae ang papayagang sumali sa women’s football na nasa ilalim ng aming pamamahala.”

Comments

Latest Newsmore