close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagbabago sa Gabinete ng Pilipinas: Mananatili sa Pwesto ang mga Kalihim ng Tanggulang Pambansa, Katarungan, at Interyor

  • 30 May, 2025
  • 呂曉倩
Pagbabago sa Gabinete ng Pilipinas: Mananatili sa Pwesto ang mga Kalihim ng Tanggulang Pambansa, Katarungan, at Interyor
Photo from X

Pinasimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang reorganisasyon ng gabinete, kung saan nanatili sa puwesto ang mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, Katarungan, at Interyor, habang pinalitan ang Pangkalahatang Tagausig (Solicitor General).

Ayon sa Malacañang, ito ay bahagi ng mas malawakang reporma matapos ang nakadidismayang resulta ng halalan noong Mayo 12. Kasunod nito, humiling si Marcos Jr. ng "courtesy resignations" mula sa lahat ng miyembro ng gabinete, at pinalawig pa ito sa mga pinuno ng mga kumpanyang pag-aari o kontrolado ng estado.

Nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin na “hindi ito isang purge,” kundi hakbang para mapabuti ang serbisyo publiko. Aniya, “wala nang pasensya ang Pangulo sa mga hindi mahusay magtrabaho.”

Tinanggihan ng Pangulo ang pagbibitiw nina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Interior Secretary Jonvic Remulla.

Samantala, kinumpirma rin ni Bersamin na si UP Law Dean Darlene Berberabe ang papalit kay Menardo Guevarra bilang Solicitor General.

Itinuturing ang balasahan bilang pagsisikap ni Marcos Jr. na ayusin muli ang kanyang political agenda at pagtibayin ang kapangyarihan sa ikalawang kalahati ng kanyang termino.

Inanunsyo rin ng gobyerno na mananatili sa puwesto ang buong economic team, habang papalitan si DFA Secretary Enrique Manalo ni Undersecretary Theresa Lazaro.

Comments

Latest Newsmore