close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pangulong Tsai: Hindi magpapatinag ang Taiwan sa mga pambabanta ng China

  • 17 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Pangulong Tsai: Hindi magpapatinag ang Taiwan sa mga pambabanta ng China
(Photo: Central News Agency)

Hindi matitinag sa mga banta ng China ang Taiwan. Ito ang sinabi ni Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) sa pagbubukas ng ika-11 assembly ng World Movement for Democracy sa Taipei. Ang assembly ay ginanap noong Oktubre 25 hanggang 27.

Layunin ng assembly na mapalakas ang pagkakaisa sa pagpapatatag ng demokrasya sa buong mundo. Mahigit 300 mga aktibistang maka-demokrasya, pulitiko, mamamahayag, at mambabatas sa mahigit 70 mga bansa ang nakikilahok sa nasabing forum. Kasama dito ang 2021 Nobel Peace Prize winner na si Maria Ressa.

Sinabi ni Tsai na apektado ng digmaan sa Ukraine ang Taiwan. Idinagdag pa niya na lumakas din ang mga banta ng China matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi noong Agosto. Sinabi pa ni Tsai na hindi magpapatinag ang Taiwan sa anumang banta sapagkat pinahahalagahan nito ang sistemang demokrasya. Ang katatagan ng Taiwan ay nagmumula sa kaniyang civil society na regular na nakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Ayon pa kay Pangulong Tsai, mahalagang malaman ng buong mundo kung paano umiiral ang sistemang awtoritaryan. Kailangan aniya ang alyansang demokratiko upang higit na mapalakas at mapatatag ang demokrasya. Idinagdag pa ni Tsai na ang assembly ay isang magandang oportunidad upang mapag-isa ang lahat ng mga resources upang mapalakas ang demokrasya sa buong mundo.

Comments

Latest Newsmore