close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagsali ng Taiwan sa CPTPP Wu Zhaoxie: May ilang mga bansa ang atubiling magpahayag ng kanilang pananaw bunga ng impluwensiya ng China

  • 22 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Pagsali ng Taiwan sa CPTPP Wu Zhaoxie: May ilang mga bansa ang atubiling magpahayag ng kanilang pananaw bunga ng impluwensiya ng China
Foreign Minister Wu Zhaoxie accepted an exclusive interview with Radio Taiwan International. (Photo by Jiang Lihua)

Nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Foreign Minister Wu Zhaoxie mula sa Radio Taiwan International noong Martes (20th) at tinalakay nito ang aplikasyon ng Taiwan sa pagsali sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP). Ayon kay Wu Zhaoxie, habang naghihintay sa pagrerebyu, ang representative office ng bansa ay aktibong nag-lobby sa iba’t ibang kasaping estado. Ang mga pananaw ng ilang bansa na noong una’y hindi gaanong naunawaan at hindi nagpahayag ng suporta ay nagbago, subalit may ilan ring bansa na sinasabing naimpluwensiyahan ng China at atubiling magpahayag ng kanilang mga pananaw.

Pormal na nag-apply ang Taiwan na sumali sa CPTPP noong September 22 ng nakaraang taon subalit hindi pa rin ito napo-proseso magpahanggang ngayon. Tinanggap ni Foreign Minister Wu Zhaoxie ang isang eksklusibong panayam ng "Good Morning Taiwan" program ng CNR at siya’y tinanong kung siya’y nakaranas ng mga hadlang sa diplomatic level o kaya’y pinigilan ng mga puwersang pulitikal.

Binigyang-diin ni Wu Zhaoxie na naunang nag-apply ang United Kingdom kaysa sa Taiwan. Sa kasalukuyan, sinisikap ng CPTPP na agarang maproseso ang membership application ng United Kingdom, samantalang ang Taiwan ay naghihintay pa rin. Subalit, binigyang-diin niya na habang naghihintay, maliban sa mga adjustment na kailangang gawin para matamo ang pinakamataas na standards ng CPTPP, aktibo rin ang pamahalaang Taiwan na nagsasagawa ng mga impormal na konsultasyon sa mga kasaping estado. Ayon kay Wu Zhaoxie “Nagkaroon tayo ng mga impormal na konsultasyon sa halos lahat ng kasaping estado. Anu-anong mga proyekto ang nais nating mabuksan? Tinalakay din na sinabihan siya na kailangang simulan kung ano ang mayroon tayo. Ang mga impormal na konsultasyong ito ay mahalaga para sa atin.”

Binigyang-diin din ni Wu Zhaoxie na isa pang mahalagang susi ay ang saloobin ng mga pamahalaan ng ibang bansa. Aktibong nag-lobby ang kanyang representative office at may nakuha naman sila mula rito. Subalit inamin rin niya na may ilang mga bansa ang naimpluwensiyahan ng China at atubiling ipahayag ang kanilang pananaw. Ayon kay Wu Zhaoxie “Sa pamamagitan ng ating representative office, nakausap natin ang mga kasaping bansa at ang pagla-lobby natin ay maganda naman ang naging resulta. Magpahanggang-ngayon, may ilan pa ring mga tao ang hindi gaanong kilala ang Taiwan. Para sa mga bansa na hindi gaanong nagpakita ng kanilang suporta ay nagbago ng kanilang saloobin, pero dahil may ilang bansa na naimpluwensiyahan ng China, atubili silang magpahayag kung nais nilang suportahan ang Taiwan. Ang bahaging ito ang nakakapag-alala para sa amin.”

Sinabi ni Wu Zhaoxie na nag-apply ang Taiwan at China na sumali na nagdulot ng isang magkasalungat na sitwasyon para sa mga miyembrong bansa ng CPTPP. Sa larangan ng lakas pampulitika, talagang malakas ang ekonomiya ng China; subalit sa larangan ng trade standards, masasabing natamo ng Taiwan ang pinakamatataas na standards. Hindi ito kayang pantayan ng China. Dahil na rin maraming bansa ang naniniwala na ang pagpayag sa China na sumali bago pa nito mapantayan ang mga standards ay makaaapekto sa mga standards ng CPTPP at magiging unfair sa lahat ng kasaping bansa, mayroon din silang mataas na ekspektasyon na tatalakayin ang pagrerebyu ng mga trade standards sa hinaharap.

Comments

Latest Newsmore