close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Bibisita sa US ang Taiwan People’s Party (TPP) Chair na si Ko Wen-je ngayong Abril

  • 23 February, 2023
  • 汪馬雪莉
Bibisita sa US ang Taiwan People’s Party (TPP) Chair na si Ko Wen-je ngayong Abril
Taiwan People’s Party (TPP) Chair Ko Wen-je (柯文哲) (TPP photo)

Ipinahayag ni Taiwan People's Party (TPP) Chair na si Ko Wen-je (Ko Wenzhe) na bibisita siya sa United States ngayong Abril. Si Ko ang dating alkalde ng Taipei at ang nasabing byahe sa US ay isang paunang gawain sa plano nitong tumakbo sa pagkapangulo.

Ipinahayag ito ni Ko sa Mazu event, nang sabihin niyang siya’y nasa United States habang nagaganap ang Mazu pilgrimage nitong Abril.

Ayon kay TPP Secretary-General Tom Chou (周台竹), aalis si Ko bago mag-Abril 10 ay mananatili sa United States ng tatlong linggo. Pinaplanong bisitahin ni Ko ang Washington, D.C., New York, Boston, at ang mga sister cities ng Taipei.

Ayon pa kay Chou, makikipagkita rin si Ko sa mga US State Department officials at mga senador upang ipaliwanag ang kanyang mga foreign policies at China policy. Ayon pa sa kanya, ang nasabing byahe ay katulad din ng mga ginawa ng iba pang partido pulitikal pero hindi na siya maaari pang magbigay ng iba pang detalye.

Comments

Latest Newsmore