Nagpahayag ng kanilang suporta sa paglikha ng “Office of International Affairs” ang mga mambabatas sa dalawang partido ng lehislatura. Nakakuha ng ilang tagumpay pandiplomatiko ang Taiwan sa pakikiisa nito sa mga mambabatas ng mga kaibigang-bansa. Kasama rito ang pagbisita ni Czech Senate President Miloš Vystrčil at ang nalalapit na pagbisita ng Speaker of the Czech House of Representatives Markéta Pekarová Adamová sa Marso.
Ang mga pagbisita ng mga punong mambabatas ay isang paraan upang maiwasang mapag-usapan ang mga sensitibong isyu ukol sa relasyong pandiplomatiko sa mga bansang nagpapairal ng one-China policy. Mahigpit na ipinagbabawal ng Beijing sa mga pinuno ng mga bansang ito ang pagbisita sa Taiwan. Bunga na rin ng paglawak ng papel na ginagampanan ng mga inter-parliamentary relations sa Taiwanese diplomacy, may ilang mga mambabatas ang umaasang magkaroon ng isang opisinang tutugon sa mga ganitong uri ng isyu,
Ayon sa mga miyembro ng KMT, DPP, at TPP, suportado nila ang paglikha ng nasabing opisina dahil naniniwala silang isa itong epektibong paraan upang matugunan ang mga hadlang pandiplomatiko ng one-China policy. Subalit, kinakailangan pang sumailalim ang paglilikha ng nasabing opisina sa iba’t ibang pamamaraan upang ito’y malikha ng lehislatura.