close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Paglalaan ng pera para sa chip market masyadong simple. Nanawagan si Zhang Zhongmou sa US upang mamuhunan sa seguridad ng Taiwan

  • 16 March, 2023
  • 汪馬雪莉
Paglalaan ng pera para sa chip market masyadong simple. Nanawagan si Zhang Zhongmou sa US upang mamuhunan sa seguridad ng Taiwan
Pangulong Tsai Ing-wen pinangunahan ang isang salu-salo sa Taipei Hotel (Larawan: President Tsai Ing-wen Facebook)

Sa kabila ng banta ng China, bumisita sa Taiwan noong nakaraang taon ang dating speaker of the U.S. House of Representatives na si Nancy Pelosi at nakipagpulong sa tagapagtatag ng TSMC na si Zhang Zhongmou. Ayon sa ulat, hayagang sinabi ni Zhang Zhongmou na napakasimpleng mag-isip ng United States sa pag-aakala nitong makukuha nila ang chip market sa pamamagitan ng pamumuhunan ng malaking halaga.

Ayon sa ulat ng US political news media Politico, na inalok ng 91 taong gulang na si Zhang Zhongmou si Pelosi at iba pang US officials ang “Chips and Science Act” at $52 billion sa anyong government subsidies sa isang pananghaliang ginawa sa Presidential Palace. Prangkang nagsabi ng mga kumento ang mga MPs.

Nang makapanayan ng editor-in-chief ng Politico na si Alexander Burns, na siya ring tagapamahala ng pandaigdigang pulitika, si Pelosi, muli niya binanggit ang kanilang usapan ni Zhang Zhongmou sa handaang pananghalian.

Sinimula ni Zhongmou ang usapan sa pamamagitan isang kumentong nakakatuwang “Isang magandang simula ang $50 billion,” at nalaman ng apat na kinatawan, kasama na si Pelosi na hindi nagbibiro si Zhang Zhongmou.

Inalala ni Pelosi na sa ilalim ng mapanuring mata ni Pangulong Tsai, tinanong siya ni Zhang Zhongmou ng mga malalalim na katanungan. Ani nito, “Totoo ba ang pangako ng mga batas at polisiya ng mga semiconductor na suportado nito ang pagsusulong ng nasabing industriya o ito’y isa lamang tangka upang makapasok sa kumikitang pamilihan sa industriyang ito?”

Sinabi ni Zhang Zhongmou na matagal nang ipinadala sa Arizona ang TSMC at masaya siyang nakikita na nakikinabang ang nasabing kumpanya sa mga subsidiya ng pamahalaang US. Subalit, talaga bang naiisip ng US na kaya nitong agawin ang pamilihan ng chip manufacturing?

Sa mga wika ni Biden, ang chip bill ang sumisimbulo ng kanyang pangako sa paglikha ng maraming trabaho sa hinaharap at upang maproteksyunan ang ekonomiya ng US laban sa mga pinsalang dulot ng mga agresibong kilos ng China sa Taiwan na maaaring magpahina sa huli. Ipinaalam ni Biden sa Kongreso na sa pagbibigay ng subsidiya sa chip manufacturing, “masisiguro na ang supply chain sa Amerika ay magsisimula sa Amerika.”

Subalit sinabi ni Zhang Zhongmou kay Pelosi na mahaba pa ang proseso na pagdadaanan sa kasunduan ng pag-iisyu at pagbibigay ng malaking halaga ng cheke at pagtatatag ng isang self-sufficient chip industry.

Iniulat ng Politico na ang talumpati ni Zhang Zhongmou ay nagpapakita ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga polisiya ng semiconductor sa US at kung paanong masisiguro ni Biden ang tagumpay ng nasabing polisiya matapos na mawala ang pagkakawatak-watak sa pulitika at kung makukuha na ang mga malalaking halaga ng subsidiya mula sa malalaking kumpanya.

Nagbigay din ng babala si Zhang Zhongmou sa pananghalian na masyadong simple ang pag-iisip ng United States na kayang-kaya nitong makuha ang pinakakumplikadong pamilihan ng electronics manufacturing ng mundo sa pamamagitan lamang ng pagtatapon ng pera dito. Sinabi din niya na ang paraan ng pagmamanupaktura ng semiconductor ay halos imposibleng gawin. Kailangan nito ang napakaraming manggagawa upang makakuha ng mga raw materials, at ang kalidad ng konstruksyon ng pabrika at assembly ang nangangailangan ng partikular na gawian.

Idinagdag pa ni Zhang Zhongmou na mabilis ang pag-unlad ng semiconductor industry. Kahit na mamuhunan ang United States sa pagpapatayo ng mga pabrikang may mataas na kalidad, kailangan pa rin nitong gumastos ng mas malaking halaga sa hinaharap para sa patuloy na pag-update dito. Kapag hindi ito ginawa, haharapin ng United States ang isyu ng pagkakaroon ng mga laos na hardware na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar. Hindi rin sapat ang pagkakaroon ng iisang pamumuhunan lamang. Sinabi ni Zhang Zhongmou na kung nais ng United States ang pagkakaroon ng isang maaasahang semiconductor industry, kailangan nitong mamuhunan sa seguridad ng Taiwan dahil halos naperpekto na ng TSMC ang nais itatag ng United States sa ngayon.

Ayon kay Pelosi, mayroon ding pangyayari sa pananghalian kung saan matagal ang inabot ng talumpati ni Zhang Zhongmou at pinaalalahanan na siya ng kanyang asawang si Zhang Shufen na masyado na siyang matagal na nagsasalita, samantalang nagsabi din si Pangulong Tsai na mabilis at walang takot na magsalita si Zhang Zhongmou.

Sinabi ni Pelosi na talagang kilala ni Zhang Zhoungmou ang United States at ilan sa mga katanungang kanyang inilahad ay talagang mga hamon; sinabi rin niya na kahit na matatalas at diretsahan ang mga kumento ni Zhang Zhongmou, hindi naman siya natinag sa mga ito.

Pinuri din ni Pelosi si Zhang Zhongmou bilang isang iconic figure na hinangaan niya. Sinabi rin niya na nagpaabot din siya ng mensahe sa Taiwan sa pananghalian, “Alam namin kung ano ang aming ginagawa at determinado kaming magtagumpay. Ito ay isang mabuting panimula.”

Comments

Latest Newsmore