close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng tatlong taon ang antas ng pag-iipon.

  • 27 April, 2023
  • 汪馬雪莉
Bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng tatlong taon ang antas ng pag-iipon.
New Taiwan dollars. (Internet picture)

Tinataya ng General Office of Accounting na babagsak ang antas ng pag-iipon sa 39.51% ngayong taon, pinakamababa sa loob ng tatlong taon. Tinataya ng outside world na pagkatapos ng epidemic, may panibagong buhay na magsisimula at ang sobrang salapi ay gagamitin para sa pagkonsumo at pamumuhunan. Sa China, ang post-pandemic consumption wave ay may limitadong positibong pakinabang at ang mga agam-aam ay dulot lamang ng pagbaba ng antas ng pag-iipon.

Higit na naapektuhan ang export performance ng Taiwan na nagbunga ng pagbaba ng economic growth rate ng bansa ngayong 2023 sa 2.12% nang magpalabas ang General Office of Accounting ng pinakabagong economic forecast nitong huling bahagi ng Pebrero, na isinaalang-alang ang pagbagal ng global economy at dagliang pagbagsak ng demand. Bumaba rin ang antas ng pag-iipon ng mababa sa 40%, sumadsad sa 39.51%, ang pinakamababa simula noong 2021.

Ayon sa kahulugan ng pambansang kita, ang gross national savings ay mas madaling maiintindihan bilang gross domestic product (GDP) na binawasan ng consumption; at ang pagkakaiba sa pagitan ng gross national savings at domestic investment ay ang “excess saving” ng taon, na nasa anyo ng idle funds. Sa madaling salita, kapag ang isang negosyo ay may salapi pero hindi namumuhunan, at ang mga kabahayan ay may pera pero hindi gumagastos, tataas ang pag-iipon. Kung kaya’t ang sobrang taas ng antas ng pag-iipon ay hindi mabuti para sa bansa.

Habang bumababa ang kalubhaan ng COVID-19 epidemic at ang mga epidemic control measures ay unti-unti nang lumuluwag, binuksan na ang mga border noong Oktubre 13 ng nakararaan taon at matapos magkaroon ng bagong quarantine-free system para sa mga mild cases ay nailunsad noong Marso 20 ng kasalukuyang taon, ang ban sa pagsusuot ng mask ay lumuwag na rin, mas naging mainam ito sa pagkonsumo. Inaasahan ng outside world na ang post-epidemic consumption boom ang magiging daan para sa paglago ng ekonomiya. Subalit, isang opisyal ng Accounting Department ang nagbigay-diin na bumaba ang antas ng pag-iipon ng pinakamababa sa loob ng tatlong taon na may kinalaman sa mga pangyayaring gaya ng economic slowdown at ang pagkonsumo na hindi nananatili sa bansa. Hindi ito dapat tinitingnan ng positibo.

Una sa lahat, ang pag-iipon ay tuwirang may kaugnayan sa paglago ng ekonomiya. Gawing halimbawa ang epidemic period, sumambulat ang mga oportunidad sa global digital business. Lamang ang Taiwan sa mga industriyang gaya ng information communication at semiconductors at lumago ang exports. Noong 2021, umabot sa 6.53% ang economic growth rate. Tumaas din ang antas ng pag-iipon ng 42.91%, isa sa pinakamataas na record.

Binigyang-diin ng isang opisyal ng Accounting and General Office ang isang sitwasyon sa mga nakaraang taon, makikita dito na ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng antas ng pag-iipon ay dahil sa paglago ng ekonomiya at paglawak ng current account surplus.

Sa kabila ng pagsigla ng pagkonsumo nang buksan muli ang mga border, inamin din ng opisyal ng Accounting and General Office na “kadalasan lumalabas tayo para maglaro ng matagal kumpara sa iba” bagama’t tumaas ang pagkonsumo, hindi naman ito nananatili sa bansa, na nagresulta sa pagbaba ng antas ng pag-iipon ngayong taon.

Ipinaliwanag ng opisyal ng General Office of Accounting na mahilig mamasyal sa ibang bansa ang mga Taiwanese at sila’y naging bored sa epidemic ng mahigit dalawang taon. Nang buksan ang mga border ng bansa, maraming tao ang nakitang agarang namasyal sa ibang bansa. Bagamat nakatulong sa consumption energy ang inbound tourism, kailangan pa silang mamasyal.

Bilang karagdagan, ang general cash na NT$6,000 ng pamahalaan ay make-credit sa account. Bunga nito, makikita ang pagkagiliw ng publiko na magparehistro at inaasahan na ng karamihan ang “halaga ng salapi na hulog ng langit”.

Ayon kay Sun Ming-teh, direktor ng Business Climate Forecasting Center ng Taiwan Institute of Economics, sa panahon ng pagbangon ng ekonomiya, ang isang maliit na bato ay maaaring maging snowball na palaki ng palaki ang sukat; kapag tumaas ang presyo at maapektuhan na ang purchasing power, magkakaroon ng epekto ang general cash payment na 6,000 yuan mula sa gobyerno. Kapag naalis na ang mga epidemic prevention at umunlad na ang ekonomiya, ang pagbato ng maliit na batong 6,000 yuan ay makatutulong sa ekonomiya sa second at third quarter.

Subalit, hindi gaanong umaasa ang Bureau of Accounting. Ayon sa mga opisyal, ang pamamahagi ng cash ay may epekto sa pagpapalakas ng pagkonsumo. Subalit, kung ikukumpara ito sa dating gawaing gaya ng pamimigay ng stimulus coupons, ang cash ay maaaring ipunin o palitan. Kung kaya’t ang lawak ng epekto nito ay kailangang patuloy na obserbahan.

Isang opisyal ng General Office of Accounting ang nagsabi na dahil sa mahinang external demand, ang economic growth ngayong taong ito ay depende sa domestic demand. Kamakailan, may mga isyu na kaaya-aya sa pagkonsumo gaya ng pagbubukas ng mga border at pagluluwag ng mga control. Subalit, kailangan pa ding mapanatili ng mga tao ang pagkonsumo sa loob at bumili ng mga lokal na produkto hangga’t maaari upang makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Comments

Latest Newsmore