Ang taong ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng Taiwan-Hong Kong version ng "Liang Shanbo and Zhu Yingtai". Naglunsad ang National Film and Audio-Visual Culture Center ng special screening project na “Butterfly Lovers 60: Taiwan and Hong Kong Classics Revisited" na muling naglikha sa 60 taong gulang na pelikulang naipalabas noon sa buong Taiwan. Isang hindi mapapantayang paglunsad sa classic film history!
Sa 57th Golden Bell Awards, ang actor na si Chen Yalan ang kauna-unahang babaeng nanalo ng Golden Bell Award for Best Actor in a drama program, ang kauna-unahan sa Taiwan's film and television history! Subalit, noong unang bahagi ng 1960s, may isa ring aktor na nagpanggap na babae sa isang leading role na naging sikat sa buong Taiwan at naging katangi-tangi sa Golden Horse Awards na nagdagdag sa "Best Actor Special Award". Ang aktor na ito ay si Ling na tampok sa "Liang Shanbo and Zhu Yingtai".
Ang "Liang Shanbo and Zhu Yingtai" na naipalabas noong 1963 ay isang classic na nagbunga ng phenomenal effects sa Taiwan at Hong Kong noong mga panahong iyon. Ang Hong Kong Shaw Brothers “The Master Huadan” ang gumanap ng papel ni Zhu Yingtai at si Ling Bo naman ang gumanap ng baligtad na papel ni Liang Shanbo. Ang mga kantang tinugtog sa play na nasa tonong Huangmei ay malalim na tumimo sa puso ng mga tao. Hindi lamang nito napanalunan ang Best Feature Film, Best Director, Best Actress, Best Music, at Best Editing awards sa Golden Horse Awards dahil sa kahanga-hangang produksyon nito, kundi nagtakda din ito ng bagong record dahil sa napakalaking publicity campaign. Nakamamanghang ipinalabas ito ng 62 magkakasunod na araw sa unang rounds ng pagpapalabas.
60 taong nakararaan nang bisitahin ni Ling Bo ang Taiwan sa pagdalo nito sa Golden Horse Awards, ang engrandeng okasyon ay punung-puno ng Hong Kong media kung saan binansagan ang Taipei bilang “City of Madmen”. Inalala ni Lan Zuwei, ang chairman ng National Film and Television Audio Center na noong siya’y 8 taong gulang pa lamang, natabunan siya ng napakaraming tao sa iron gate ng Chinese Theater sa Taipei City kung saan ang ibang tao’y umakyat na sa iron gate. Pumunta siya sa gilid at nagsisigaw sa takot at kinailangan pa niyang makipagsiksikan pabalik sa kanyang ina, isang patunay ng karingalan ng nasabing palabas.
Noong 1963, gumastos ng salapi si Cai Qiulin, ang may-ari ng Meidu Opera Troupe ng Taiwan upang gawing muli ang 1959 hit opera movie na "Yingtai Worshiping the Grave" bilang "Sanboyingtai". Sa direksyon ni Li Quanxi, Golden Horse Lifetime Achievement Award winner Lai Chengying photography, kasama si Du Huiyu bilang Zhu Yingtai at Xiaosheng Zheng Yingxue (Little Tianlong) bilang Liang Sanbo. Nagbunga ito ng paglulunsad ng makabagong industriya ng Taiwanese film industry. Nagdulot naman ito ng agam-agam sa Ming Wah Company, na nagpalabas ng Shaw Brothers' "Liang Shanbo and Zhu Yingtai" sa Hong Kong, na baka maagawan sila ng oportunidad na kung saan ang napiling araw ng premier ay Abril 24 na kapareho ng araw.
Ang proyekto ng National Film and Television Center na "Butterfly Lovers: Reappearance of Taiwan and Hong Kong Classics" ay nagpanumbalik sa pambihirang "Sanboyingtai" videotape, kung saan muling matutuklasan ang pinakamatandang napanatiling Taiwanese film na kinuhanan sa 35mm color negative film, at inimbitahan si Li Hanxiang. Ang Hong Kong version ng "Liang Shanbo and Zhu Yingtai" ay napili ring ipalabas sa parehong channel ngayong Abril. Ang muling pagsasadula ng mga classic works sa pinilakang tabing ang pagpapanumbalik ng mga sikat na movie-watching trend ngayong taon. Ang pagpapalabas ay libreng mapapanood at ang mga movie fans ay maaaring magdala ng kanilang mga nakatatandang kamag-anak upang muling isabuhay ang mga classic Taiwanese movies noong 1960!