Sa Taiwan, hindi naman karaniwang ipinagdiriwang ang Halloween ng maraming tao. Hindi katulad sa United States, na totoong pinagdiriwang itong event na ito. Ngunit ang mga tao sa Taiwan ay kilala na sa mundo na siyang gumagawa at nagiinbento ng mga malikhaing kasuotan or mga gamit na nakakatakot na angkop na angkop sa Halloween, lalo na para sa kanilang mga anak. Ngayong taon, maraming tao ang nagpasya na dalhin ang kanilang mga dekorasyon at kasuotan sa holiday sa susunod na antas.
Ang katapusan ng Oktubre ay minarkahan ang simula ng "spooky season" sa Taiwan. Ipinakita ng isang batang babae ang kanyang Halloween costume, kumpleto sa skeleton makeup at damit na may bahid ng dugo. Ito ay gawa ng isang propesyonal na makeup artist, ngunit ang ilang mga magulang ay nagpasya na maging malikhain din sa mga ideya sa mga kasuotan ng mga bata.
Isang sikat na larawan ang nagpapakita ng mga bata na nakabihis bilang COVID-19 positive sa rapid test. Ipinaliwanag ng ina na gumawa ng mga costume na gumamit siya ng mga poster board, paper plates, curtain rods at iba pang gamit upang lumikha ng orihinal na bagay.
Ngunit hindi lang mga tao ang binibihisan ng ganuong uring mga damit. Pati na mga bahay. Isang residente sa Xinying District ng Tainan ang pinalamutian ang labas ng kanilang bahay ng mga duguang bakas ng kamay at mga multo na lumulutang sa paligid ng balkonahe nila.
Ang pangunahing atraksyon ay nasa tuktok ng bahay, na mayroong isang blow-up giant mula sa Japanese animated series na "Attack on Titan". Maraming tao ang bumisita sa bahay para lang kunan ng litrato ang napakalaking halimaw. Sinasabi ng ilang mga bisita na talagang gusto nila ang mga dekorasyon, lalo na kapag ang higante ay gumagalaw sa hangin. Sa Halloween ilang araw na lang, maaaring may mas nakakatakot na sorpresa tayo makita sa daan.