close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inilabas na ang 2026 Kalendaryo ng Pista Opisyal — May 9 na Long Weekends, 9 Araw ang Chinese New Year

  • 18 June, 2025
  • 何薇薇
Inilabas na ang 2026 Kalendaryo ng Pista Opisyal — May 9 na Long Weekends, 9 Araw ang Chinese New Year

Inanunsyo ngayong ika-13 ng Hunyo ng Direktorat Heneral ng Personal ng Executive Yuan ang opisyal na kalendaryo ng araw ng trabaho para sa mga ahensya ng pamahalaan para sa taong 2026 (Republic of China year 115). Ayon sa tala, may kabuuang 120 araw na walang pasok, kabilang ang 9 na long weekends, kung saan pinakamatagal ang Chinese New Year na may 9 na araw na bakasyon.

Ang Chinese New Year sa 2026 ay magsisimula sa Pebrero 15 (Linggo) na siyang tinuturing na Little New Year’s Eve, at ang kapalit na araw ng pahinga (make-up holiday) ay itinakda sa Pebrero 20 (Biyernes), ikaapat na araw ng bagong taon, kaya't kabuuang 9 na araw ang walang pasok.

Ang iba pang 8 long weekends ay kinabibilangan ng:

  • Peace Memorial Day – 3 araw
  • Araw ng mga Bata at Qingming Festival – 4 araw
  • Labor Day – 3 araw
  • Dragon Boat Festival – 3 araw
  • Mid-Autumn Festival at Teachers’ Day – 4 araw
  • National Day – 3 araw
  • Retrocession Day – 3 araw
  • Constitution Day – 3 araw

Binanggit din ng ahensya na sa 2026, ang Mid-Autumn Festival ay sa Setyembre 25 (Biyernes) at Teachers' Day sa Setyembre 28 (Lunes), kaya pinagsama ito sa regular na weekend upang magkaroon ng 4 na araw na long weekend.

Paalala ng Direktorat Heneral ng Personal: ang opisyal na kalendaryo ng trabaho ay tanging para lamang sa mga kawani ng pamahalaan at ahensyang pampubliko. Para sa mga empleyado ng mga government-run enterprises, ay karaniwang sinusunod din ito.

Samantala, ayon sa Artikulo 9 ng mga regulasyong ipinatutupad, ang iskedyul ng bakasyon para sa mga ahensyang may espesyal na tungkulin tulad ng pulisya, bumbero, coast guard, militar, pati na rin ang mga pampublikong paaralan, ay maaaring iakma ng kani-kanilang kaukulang ahensya tulad ng Ministry of the Interior, Ocean Affairs Council, Ministry of National Defense, at Department of Education.

Paalala rin sa pribadong sektor: ang bakasyon ng mga empleyado sa mga pribadong kompanya ay saklaw ng Labor Standards Act, kaya kailangang sumunod sa mga alituntunin ng Ministry of Labor.

Comments

Latest Newsmore