close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Matinding Kalungkutan sa Katandaan Maaaring Magdulot ng Pagbaba ng Kakayahang Magsalita, At Maging Sanhi ng Dementia

  • 18 June, 2025
  • 何薇薇
Matinding Kalungkutan sa Katandaan Maaaring Magdulot ng Pagbaba ng Kakayahang Magsalita, At Maging Sanhi ng Dementia

Ayon sa mga nakaraang pag-aaral, ang pakiramdam ng matinding kalungkutan ay hindi lamang malapit na kaugnay sa depresyon sa matatanda, kundi maaari rin itong pabilis ng pag-urong ng kakayahang kognitibo at magpataas ng panganib na magkaroon ng dementia.

Ngayong araw (Hunyo 13), ipinahayag ng National Health Research Institutes (NHRI) ng Taiwan, ang resulta ng kanilang collaborative research kasama ang ilang lokal na akademikong institusyon. Sa pamamagitan ng brainwave (EEG) analysis, natuklasan nila ang mahalagang ebidensiyang neuroscientific na nagpapakita: kahit wala pang malinaw na sintomas ng mental deterioration, ang mga matatandang nakakaramdam ng matinding kalungkutan ay may kapansin-pansing kahinaan sa kakayahang pangwika, at ang kanilang utak ay maaaring nagpapakita na ng mga pagbabago na kahalintulad sa maagang yugto ng dementia.

Ano ang nakita sa pag-aaral?

Ipinakita sa resulta na kahit lahat ng kalahok ay tama ang sagot sa mga pagsusulit sa bokabularyo, ang mga matatanda na may mataas na antas ng kalungkutan ay nagpakita ng magkakaparehong brainwave response (N400) sa mga hindi karaniwang salita at maling salita. Ibig sabihin, humihina ang kakayahan nilang makaunawa at makaproseso ng kahulugan, kahit hindi ito agad nahahalata sa simpleng pag-uusap.
Ang ganitong uri ng brainwave pattern ay karaniwang nakikita sa mga pasyente sa maagang yugto ng dementia.

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mahalagang ebidensiyang neuroscience, na kahit walang malinaw na palatandaan ng pag-urong ng isipan, maaaring nagsisimula na ang pagbabago sa utak ng mga matatandang nakararanas ng matinding kalungkutan.

Ano ang implikasyon sa pangangalaga sa matatanda?

Ayon sa NHRI, mahalagang paalala ito sa mga tagapag-alaga o healthcare workers. Kapag hindi nila napansin na nahihirapan nang makaunawa ang isang matanda dahil sa kalungkutan, at nagpapatuloy sa normal na paraan ng pakikipag-usap, maaaring magresulta ito sa pagkakaintindihan sa anyo pero hindi sa diwa.

Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng:

  • Maling pagkakaunawa
  • Pagkalito o pagkabigo ng matanda
  • Mas lalong paglayo sa pakikipagkapwa-tao
    Ang inepektibong komunikasyon na ito ay nagpapababa ng kalidad ng pangangalaga, at maaaring mas magpalala ng kalungkutan at stress ng matatanda — na lumilikha ng masamang siklo.

Comments

Latest Newsmore