close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Hindi kinukumpira ng TSMC ang mga ulat hinggil sa one-nanometer fab sa Taoyuan

  • 03 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Hindi kinukumpira ng TSMC ang mga ulat hinggil sa one-nanometer fab sa Taoyuan
TSMC. (AFP)

Iniulat ng The Commercial Times na ang pinakamalaking contract chipmaker sa mundo, ang Taiwan Semiconductor Manufacturing Company (TSMC) ay nagpaplanong gumawa ng one-nanometer fab sa Taoyuan . Subalit hindi kinumpirma o itinanggi ng TSMC ang mga ulat bagkus ay sinabi nitong magpapatuloy itong mamumuhunan sa advanced chip manufacturing ng Taiwan.

Ang Hsinchu Science Park ay pinatatakbo sa Longtan District ng Taiwan. Hindi nagkumento ang park sa mga plano ng TSMC pero sinabi nito na magkakaroon ng maraming kumpanyang gagawa ng mga IC, photoelectric, at biotech industries na may 7,000 empleyado. Ang tinatayang taunang kikitain ng park ay nasa NT$50 bilyon (US$1.5 bilyon)

Ayon sa ulat, nagpapatakbo na ang TSMC ng dalawang pabrika ng semiconductor packaging at testing sa Longtan tech park, kung saan ito ang pinakamainam na lugar para sa produksyon ng one-nanometer chip.

Pinaplano na rin ng TSMC na simulan ang produksyong pang-komersyal ng 3-nanometer process ngayong taong ito. Isang upgraded version na kilala sa tawag na 3nm enhanced (N3E) ay magsisimulang i-prodyus sa susunod na taon.

Pinaplano na ring simulan ng TSMC ang produksyon ng 2-nanometer chips sa 2025, kasabay ng plano ng Samsung at Intel. Ayon sa ulat, magtatayo ito ng 2-nanometer wafer plant sa Hsinchu, bahagi ng hilagang Taiwan, at magpapalawak ng produksyon sa Taichung sa gitnang Taiwan.

Comments

Latest Newsmore