Ayon kay Pangalawang Pangulo Lai Ching-te (Lai Qingde), makapangyarihan at mahalaga ang mga kababaihan para sa patuloy na pagsulong ng Taiwan. Nagtalumpati si Lai sa mga delegasyon ng Global Federation of Chinese Businesswomen noong Lunes sa Presidential Office.
Ayon pa kay Lai, sa nakaraang kasaysayan ng Taiwan, nakaugalian nang ang mga kababaihan ay nasa bahay lamang at umaasa sa suweldo ng kanilang mga asawa. Subalit sa kasalukuyan, laganap na ang gender equality at ang mga kakayahan ng mga kababaihan ay nakabigay ng malaking kontribusyon sa pagsulong ng lipunan.
Ayon pa sa pangalawang pangulo, ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan ay nagbago na. Ginawa niyang halimbawa na may isang taong ang nakakuha ng may pinakamatataas na marka sa air force, army, at naval academies ay mga kababaihan.
Sinabi pa ni Lai na binanggit ni Pangulong Tsai Ing-wen (Tsai Ing-wen) sa kanyang talumpati noong National Day na ipinakita ng Taiwan sa buong mundo ang kalakasan nito sa mga hamon ng pandemya. Ayon pa kay Tsai, nakikita na ng buong mundo ngayon ang Taiwan bilang bahagi ng global supply chain, lalung-lalo na sa pag-prodyus ng mga semiconductor.
Maraming kinatawan mula sa iba’t ibang bansa ang bumisita sa Taiwan kamakailan dahil sa pagtaas ng tensyon sa cross-strait. Ayon sa mga dayuhang opisyal, ang Taiwan ang itinuturing na pangunahing linya ng depensa lahat sa awtoritaryanismo at ang liberalismo at demokrasya ng nasyon ay lumikha ng isang matatag na ekonomiya.
Umaasa siyang magpapatuloy ang pagsuporta ng lahat kay Pangulong Tsai, ang kauna-unahang pangulong babae ng Taiwan, upang makatulong itong lumikha ng isang mas magandang mundo para sa susunod na henerasyon.