Ang Sentral na Pambansang Silid-Aklatan ng Taiwan ay nakikipagkolaborasyon sa mga pamantasan sa Europa upang makapagbukas ng mga sentro ng pananaliksik para sa pag-aaral ukol sa Taiwan at China. Ayon kay Library Administrator Hung Shu-fen (Hong Shufen) noong Lunes, ang silid-aklatan ay makikipagkolaborasyon sa limang pamantasan sa Europa upang makipagpalitan ng mga aklat at mga online resources, pati na rin ang paglulunsad ng mga magkasanib na mga eksibisyon.
Nirepresenta ni Library Director Tseng Shu-hsien (Zeng Shuxian) ang silid-aklatan noong Oktubre sa pagbubukas ng Chinese studies resource centers sa mga Pamantasan ng Lithuania, Estonia, Czechia, Slovakia, at Hungary.
Ayon kay Tseng, ang mga kasunduan ay mga pinagsanib na pagsisikap upang madagdagan ang access sa mga resources ng Taiwan sa iba’t ibang pormat gaya ng mga aklat, audio, at video. Ang kolaborasyon ay magsusulong din ng mga seminar at iba pang gawain sa pagitan ng mga mananaliksik at mga mag-aaral mula sa Europa at Taiwan.
Ang pakikipagkolaborasyon ng Natioanl Central Library ay mga pamantasang itinuturing na pinakamalaki, pinakamatanda, at may pinakamataas na ranggo sa kani-kanilang mga bansa. Simula pa man noong unang bahagi ng 2000, isinusulong na ng silid-aklatan ang pag-aaral ng Sinology at sinusuportahan ang mahigit na 40 sentro ng pananaliksik sa buong mundo.