close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga pagsasanay sa anti-coup, hindi indikasyon ng pagtaas ng tensyong militar: Defense Minister

  • 04 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Mga pagsasanay sa anti-coup, hindi indikasyon ng pagtaas ng tensyong militar: Defense Minister
(Photo: Central News Agency)

Ang mga panibagong pagsasanay militar sa hilagang Taiwan ay bahagi ng taunang pagsasanay, at hindi indikasyon ng pagtaas ng tensyong militar. Ito ang sinabi ni Defense Minister Chiu Kuo-cheng (邱国正) noong Lunes bilang tugon sa mga agam-agam hinggil sa mga pagsasanay na itinuturing na tangka upang mapilay ang pamahalaang Taiwan.

Ayon kay Chiu, ang pagsasagawa ng mga pagsasanay upang labanan ang terorismo at mga kudeta ay mahalagang bahagi ng taunang pagsasanay at hindi niya hangad na magsimula ng anumang hindi pagkakaunawaan hinggil sa kalagayan ng Taiwan. Saad pa niya, bagama’t may mga teorya ang ibang bansa hinggil sa kasalukuyang tensyon sa cross-strait at ito’y kaniyang iginagalang, hindi aniya siya magkukumento o sasang-ayunan ang kanilang mga opiniyon.

Ayon kay Chiu, sa kaniyang mahabang panahon ng paninilbihan sa militar, ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan ng China ay isang seryosong isyu.

May ilang media ang nag-ulat na lihim aniyang inimbitahan ng Taiwan ang mga miyembrong bansa ng NATO upang talakayin ang digmaan sa Ukraine at ang tensyong namamagitan sa rehiyong Indo-Pacific. Ayon kay Chiu, ang National Defense University ng Taiwan ay isang institusyon ng pananaliksik at madalas na nag-oorganisa ng mga pandaigdigang forum, kung kaya’t ito ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari.

Comments

Latest Newsmore