Tinatayang nasa 5% ng mga convenience stores sa Taiwan ang mag-aalok ng paggamit ng mga reusable cup simula sa taong 2023. Ito ay ayon sa pahayag ng Environmental Protection Administration (EPA) noong Lunes, na nagbigay din ng detalyadong paliwanag hinggil sa serbisyo at mga alituntunin ng nasabing sistema.
Ang cup program ay magbibigay ng pagkakataon sa mga tao na manghiram ng mga reusable cups mula sa mga kiosks sa mga lokasyong lalahok sa nasabing sistema. Maaaring isauli ng mga tao ang mga cup sa anumang kiosk upang ito’y linisin matapos gamitin.
Ayon sa EPA, kokontrolin nito ang mga materyales, paglalagay ng label, pagreresiklo, paglilinis, at inspeksyon ng cup system. Dagdag pa ng administrasyon, ang mga recyclable cups ay kagaya ng mga ginagamit sa mga restaurant, at dahil naisasauli ang cup matapos gamitin, maaaring makatulong ang mga tao na mabawasan ang masamang epekto nito sa kapaligiran.
Sinabi rin ng EPA na maaaring magbayad ang mga tao sa iba’t ibang pamamaraan para sa security deposit ng paggamit ng cup. Noong Hulyo, pinairal ng bansa ang pagbibigay ng NT$5 na diskwento sa mga taong magdadala ng mga reusable cup sa pagbili ng iba’t ibang inumin. Ayon sa estadistika, ang bilang ng mga inuming binili gamit ang mga reusable cup ay tumaas ng 10% nang simulan ang nasabing alituntunin.
Ayon sa EPA, tinatayang nasa 5% ng mga convenience stores and mag-aalok ng paggamit ng reusable cup sa 2023 at libre ang mga taong manghiram ng cups basta’t ang mga ito’y maisasauli sa takdang oras. Sinabi rin ng administrasyon na ang mga tindahang gagamit ng reusable cup system ay magpapaskil ng mga karatula at ang mga tao ay maaaring maghanap ng mga lokasyon ng mga tindahang gumagamit ng reusable cup system sa kanilang opisyal na system website.