Ang Executive Yuan ay naglunsad ng 30 bilyong NTdollars na project subsidy pabgbayad sa upa ng mga bahay noong July pa, at ito ay tinanggap na nuong katapusan ng October. Ayon sa statistics mula sa Construction Administration, mahigit 316,000 na kabahayan ang nakakumpleto ng kanilang mga application, kung saan, humigit-kumulang 83% na nag-apply, na umabot na sa 60,000 na kabahayan ay taga New Taipei City.
Sinabi ng Construction Minister na mula noong Oktubre 3, ayon sa survey, umabot sa higit sa 266,000 na ang nag apply for subsidy na humigit-kumulang 84%. Sa bilang ng mga aplikante, humigit-kumulang 83% ay matatagpuan sa Liudu, na may higit sa 60,000 kabahayan sa New Taipei City bilang una, Taichung City na pangalawa na may higit sa 50,000 kabahayan, at Taoyuan City na pangatlo na may higit sa 40,000 kabahayan.
Ayon sa Construction Department, ang target ng rental subsidy program ay ang mga grupo tulad ng single young people na pumapasok sa lipunan, bagong kasal na pamilya, pamilyang may mga anak, economically o socially disadvantaged na pamilya at iba pang grupo, ayon sa pagkakabanggit, na may pagtaas ng 1.2 beses sa higit sa 1.8 beses. . Sa mga taong nag-apply sa unang pagkakataon, may humigit-kumulang 86,000 single na kabataan ang pumasok sa lipunan, na sinundan ng 39,000 socially disadvantaged na pamilya at 37,000 pamilya na may menor de edad na mga anak.
Sinabi ng Construction Department na ilalaan ang subsidy sa loob ng limang steps (Oct 3, 11, 12, 21, 31) na ibibigay sa mga pumasa sa rent subsidy application noong Hulyo at Agosto. At ang mga qualified recipients ay makakatanggap din ng text message ng paalala ng remittance; Ang subsidy sa upa ay babayaran buwan-buwan mula Oktubre hanggang Setyembre sa susunod na taon, at sa prinsipyo ay ibibigay sa ika-3 ng bawat buwan.
Dagdag pa ng Construction Depaartment na dahil sa magkaibang katayuan ng bawat application, kung hindi na kailangan ng mga karagdagang required document, ito ay maaaprubahan sa lalong madaling panahon. Ang ilang mga aplikasyon mula Hulyo hanggang Agosto ay hindi pa narereview, at ang mga ito ay pinabilis. Kung ang pagsusuri ay pasado, ang mga pagbabayad para sa Oktubre at Nobyembre ay ibibigay nang isang beses sa Nobyembre.
Sinabi ng Departamento ng Konstruksyon na ang mga aplikante sa Setyembre at Oktubre ay susuriin sa lalong madaling panahon. Kung ang pagsusuri ay maipasa, ang pagbibigay ay muling ilalaan mula Nobyembre; dahil ang pagsusuri sa kaso ay hinahawakan sa pagkakasunud-sunod ng aplikasyon, ang priyoridad na pagsusuri ay ibibigay bago matapos ang Oktubre. Para sa mga kaso na nalalapat sa Setyembre at Oktubre, ang mga taong nag-a-apply para sa aplikasyon ay patuloy na magre-review mula Nobyembre, at aabisuhan sa isang papel na opisyal na dokumento kung pumasa sila.