close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Almusal sa Taipei: isang worldwide influence sa lokal na kultura ng pagkain

  • 08 November, 2022
  • 何薇薇
Almusal sa Taipei: isang worldwide influence sa lokal na kultura ng pagkain
PuDa’s breakfast stall on a side street in the Da’an district (Photo: Naomi Hellman)

Ang isang breakfast stall n food vendor na nasa gilid ng kalye sa distrito ng Da'an

Na Nagbebenta ng abot-kayang take-away na almusal sa mga customer mula sa isang maliit na stand na nakaharap sa kalye. Ang kanyang stall ay nilagyan ng kalan at kawali, at nag-aalok ng stir-fried noodles o ham at itlog sa toast. Ang instant na mainit na pagkain ay pinipilahan ng maraming taong nagtatrabaho, mga mag-aaral at residente ng kapitbahayan, na mas gustong kumain sa labas kaysa magluto.  Nagbebenta rin sila ng iba't ibang uri ng western style at local Taiwanese food.  Maaaring kabilang sa mga ito ang steamed buns, chinese hotcakes, noodles, o turnip cake na may iba't ibang side dish tulad ng salted peanuts, pipino o labanos salad, salted duck eggs, rosong, (piniritong ginutay-gutay na karne), at dried bean curd.  Mayroon din mga sandwich na may laman na ham at itlog, keso at tuna, o peanut butter at strawberry jam. Karaniwang kasama sa mga inumin ang maalat o matamis na soybean milk, gatas, tsaa, kape, o fruit juice.  Ang mga pagkain nila ay ayon sa panlasa ng mga bumibili kaya ganun na lang ang haba ng pila araw-araw.  Itong Taiwanese food na ito ay tanggap na tanggap din ng mga madla na taga ibang bayan

Comments

Latest Newsmore