Ang fertility rate ng Taiwan ay umabot sa pinakamababa sa lahat ng panahon, ang rate para sa taong ito ay umabot sa 0.89. Isa ito sa pinakamababa sa buong mundo. Mayroon isang 50 taong gulang na tindahan ng damit ng mga bata sa Wanhua District ng Taipei. Sinabi ng may-ari na dati ay maganda ang negosyo ngunit ngayon ay mahina na. Sabi niya, "Tingnan mo, walang mga customer." Sinabi niya noong nakaraan, may mga nanay na magdadala ng lima o anim na anak, ngunit wala nang ganoong malalaking pamilya ngayon.
Sinubukan ng Taiwan na kumbinsihin ang mga magulang na magkaroon ng mas maraming anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subsidy sa pangangalaga ng mga bata, ngunit hindi ito nakagawa ng pagkakaiba. Noong 2015, ang fertility rate ng Taiwan ay 0.9, ito ay pinakamababa sa buong mundo. Noong 2020, ang fertility rate ng South Korea ay 0.84 at ang Taiwan naman ay 0.99. Hinuhulaan ng National Development Council sa taong 2035, ang fertility rate ng Taiwan ay magiging 1.12 at ang South Korea ay 1.18.
Bakit kaya hindi gumagana ang paraan tulad ng pagbigay ng mga subsidy sa Taiwan? Sinabi ni NTU National Development Professor Hseuh Chen-tai na maraming tao ang nag-iisip na ang mga bata ay makakaapekto sa kanilang karera at mga plano sa buhay. Kaya't ang mga bata ay mas tinuturing pabigat sa buhay kaysa isang mapagkukunan ng pag-asa.