close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Poll: 46% pabor na pababain sa edad na 18 taong gulang ang voting age sa Taiwan

  • 12 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Poll: 46% pabor na pababain sa edad na 18 taong gulang ang voting age sa Taiwan
Taiwan lawmakers voted unanimously in favor of lowering the voting age to 18. (Photo: CNA)

Ayon sa pinakabagong poll, 46% ng mga Taiwanese ay pabor na pababain ang edad ng voting age mula 20 taong gulang sa 18 taong gulang. Ang poll ay isinagawa ng NGO Forward Alliance ngayong buwang ito.

Kalakip ng nalalapit na eleksyon sa Nobyembre 26 ang reperendum na baguhin ang konstitusyon hinggil sa pagpapababa ng voting age. Ang suporta sa hinihinging pagbabago ay tumaas sa nakaraang dalawang buwan subalit mababa pa rin sa 50% threshold upang ito ay maipasa. Ang Taiwan ang nag-iisang demokrasya sa buong mundo na ang mga taong nasa edad na 18 taong gulang ay hindi makakaboto.

Ayon kay Forward Alliance Director Enoch Wu (吳怡農), mahigit sa kalahati ng mga centrist voters ay hindi aware sa nalalapit na voting age referendum at 16% ay hindi pa nakakapagpasiya hinggil sa isyu.

Ayon kay Taiwan Youth Association for Democracy President Chang Yu-meng ( 張育萌) karamihan ng mga batas ng Taiwan ay hindi makatuwiran. Halimbawa, ang mga taong 18 taong gulang sa Taiwan ay maaaring makakuha ng dirver’s license subalit hindi sila pwedeng bumili ng sasakyan. Idinagdag pa niya na ang mga batas ng Taiwan ay kailangang amyendahan upang tumugma sa mga karapatan at responsibilidad ng mga kabataan.

Noong Marso 25, inaprubahan ng lehislatura ang pagbababa ng voting age sa 18 taong gulang, subalit ang pagbabago sa konstitusyon ay kailangang ipasa sa reperendum. Upang makapasa, kailangang 9.65 milyong mga botante ang sumang-ayon dito.

Comments

Latest Newsmore