close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Iniimbestigahan ng mga opisyal ang kaugnayan ng mga media company at China

  • 12 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Iniimbestigahan ng mga opisyal ang kaugnayan ng mga media company at China
Mirror Media is under investigation for possible ties to China. (Source: CNA)

Iimbestigahan ng mga awtoridad ang kaugnayan ng malalaking media groups ng Taiwan at ng mga Chinese investors. Ito ay nagmula sa pahayag ng top communications regulator Chen Yaw-shyang (陳耀祥) nang magsalita ito sa harap ng lehislatura.

Ayon sa mga report ng media, maaaring nilabag ng Mirror Media ang batas ng Taiwan sa pagpayag nitong makapag-ari ng mga shares ang mga Chinese. Nakasaad din sa ulat na maaari ding nilabag ng kumpanya ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan na hindi dapat itong magbenta ng mga shares ng kumpanya.

Ayon kay Chen, iniimbistigahan na ng mga regulators ang mga nasabing alegasyon. Subalit sinabi niya na limitado lamang ang kapasidad ng kanyang ahensya na magsagawa ng administrative inquiry. Idinagdag pa niya na dahil kailangang masiguro na hindi sangkot ang Chinese capital sa kumpanya, humingi siya ng tulong sa financial advisor ng Taiwan.

Ang aplikasyon ng Mirror Media na makapagbukas ng bagong TV channel ay naaprubahan noong Enero. Isa sa mga kinakailangan upang maaprubahan ang aplikasyon ay ang mapanatili ng kumpanya ang ownership structure at hiwalay na pamumuno ng channel mula sa flagship magazine nito.

Comments

Latest Newsmore