close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Maaaring Puwede nang Tanggalin Ang Face Mask sa Lalong Madaling Panahon Ngayong Buwan Wang Bi Sheng: Uunahin ang Pagtanggal ng Face Mask Kapag nasa Labas

  • 13 November, 2022
  • 呂曉倩
Maaaring Puwede nang Tanggalin Ang Face Mask sa Lalong Madaling Panahon Ngayong Buwan Wang Bi Sheng: Uunahin ang Pagtanggal ng Face Mask Kapag nasa Labas
Photo CNA

Sabi ng Central Epidemic Command Center Commander na si Wang Bi Sheng sa November 9, una, maaaring puwede ng tanggalin ang face mask sa buwan na ito. Uunahin muna ang pagtanggal ng mask kapag nasa outdoor. Pangalawa, maglilinaw kung aling mga lugar ang dapat magsuot ng face mask, tulad ng mga institusyong medikal, saradong pampublikong transportasyon…etc. Kapag nasa ibang lugar ay hindi ito magiging sapilitan.
 
Ang command center ay nangongolekta ng impormasyon, at ang unang yugto ng pagtanggal ng mask ay tatalakayin sa Nobyembre. Si Wang Bi Sheng at Deputy Minister ng Ministry of Health and Welfare ay umattend sa event ng Taipei Veterans General Hospital sa umaga ng November 9. Sinabi ni Wang sa interview, magsisimula muna ang pag-release ng mask kapag nasa outdoor at maaaring magsisimula na sa buwan na ito. Ito ay iaanunsyo sa publiko matapos pag-usapan ang mga detalye. Sabi ni Wang, “Pinag-uusapan pa namin ngayon, basta ito ay kagaya ng sinabi ko kanina, ang una ay puwedeng tanggalin sa labas at magsuot pa rin sa kapag nasa loob. Pero kailangan pa naming pag-usapan ang mga detalyadong regulasyon para masundan ito ng bayan. Kaya ang tungkol sa face mask, step by step naming aayusin, ang una ay ang paraan sa indoor at sa outdoor.” 
 
Tinanong ng mga News media na matapos i-release ang mask regulation sa South Korea noong Septiyembre, tu  maas ang bilang ng Covid-19 positive mula 10,000 hanggang 60,000 katao sa loob ng isang araw. Kaya tinanong kay Wang kung maaari bang mangyari ito sa Taiwan? Sabi ni Wang, hindi lahat ay dahil sa pag-release ng mask, minsan pa iba-iba ang sitwasyon ng pandemya at maaari ring may mga ibang dahilan. Pero siguradong may apekto ang pagtanggal ng mask, kaya step by step itong ire-release at sana hindi masyadong maapektuhan ang bayan. Kung maayus naman ang unang step, maaaring puwede ng subukan ang pangalawa.
 
Sabi rin ni Wang, ang pangalawang step ay ipapaliwanag ang mga lugar na kailangan talagang magsuot ng mask, kagaya ng mga ospital, nursing home at closed public transportations. Hindi na kailangan magsuot ng mask sa mga lugar na hindi nabanggit, kaya lang mahirap sabihin kung kailan itong puwedeng ianunsyo, step by step lamang ang puwedeng gawin.

Comments

Latest Newsmore