close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Civil Defense isasama sa National Defense Education

  • 15 November, 2022
  • 何薇薇
Civil Defense isasama sa National Defense Education
A civil defense drill in July. (Source:CNA)

Isasama sa education curriculum ng Taiwan ang pagsusulong ng National Defense.  Maari ring magatatag ang pamahalaan ng special guidance teams upang mapigilan ang paglalaganap ng maling information.  Sinabi ito ni National Police Chief Huang Ming-Chao, nang magsalita ito sa legislation.  Binanggit  n mga mambabatas  na may ilang civic groups na nagpalabas ng mga materiales tungkol sa pagtuturo ng mga praktikal na kasanayang kaugnayan sa civl defense para sa publiko.  Ayon sa materiales, mapanganib ang magkaroon ng maling information ukol sa national defense ngunit hindi ito kasama sa curriculum ng civil defense.  Binanggit ni Police Chief Huang na isasama sa national defense education ng Taiwan ang pagsasanay sa civil defense .  Idinagdag pa nya na magpapadala ng  ilang mga experts para magturo ng kasanayan tungkol sa alitan, kasama na rin kung paano aalalay sa military at pagsasanay sa evacuation.

Samantala ipinahayag ng mga mambabatas na ayon sa mga direktiba  ng pamahalaan, ang mga pangkat na nagsusulong  ng civil defense ay walang mga guidance responsibilities.  Maaring magdulot ito ng kalituhan sa mga mamamayan kung ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng kaguluhan.  Sinabi naman ni Huang na maaring  masolusyonan ang problemang ito sa pamamgitan ng pagtatag ng mga special guidance teams na tutugon sa mga isyung ito.

Comments

Latest Newsmore