Nakipagpulong si Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) sa mga dayuhang bisita na kalahok sa 2022 Taipei Security Dialogue forum. Nagsimula ang event noong Miyerkules na nakasentro sa temang “China and the world in crisis.”
Sinabi ni Tsai na ipagpapatuloy ng Taiwan na pag-ingatan nito ang kanilang demokrasya at kalayaan sa gitna ng mga bantang awtoritaryan. Idinagdag pa niya na patuloy ang paglilinang ng Tawain ng kaniyang defensive at asymmetric warfare capabilities at ilang taon na rin itong nasimulan.
Sinabi rin ni Tsai na hangad ng Taiwan na mapagtibay ang kooperasyong pansegurided nito sa kanilang mga international partners, mapabuti ang mga mobilization mechanisms at reservist training. Dagdag pa niya na pananatilihin ng bansa ang matatag na paninindigan nito sa mga istratehikong sitwasyon sa pamamagitan ng mga eksperto sa national-level.
Binanggit ng dating US Deputy Assistant Defense Secretary Heino Klinck sa event, na mas lalong tumindi ang agresibong pagkilos ng China matapos ang 20th Party Congress noong nakaraang buwan. Dagdag pa niya na pilit na binabago ng China ang global order upang mapangalagaan nito ang kanyang sistemang awtoritaryan at interes.
Sinabi ni Klinck na kailangang magkaroon ng mga alyansa ng mga demokrasiya upang magsama-samang sugpuin ang China at masiguro na ang kumpetisyon sa pagitan ng China ay hindi hahantong sa pakikipag-away. Idinagdag pa niya na patuloy na susuportahan ng US ang Taiwan at sisiguruhing ang kinabukasan ng bansa ay pagpapasiyahan ng sarili nitong mamamayan nang walang takot at pagbabanta.