Tampok sa Taipei International Travel Fair ang mas maraming eco-friendly tours sa nalalapit nitong event. Ang tema ng fair ay “sustainable travel” na ginanap noong Nobyembre 4 – 7 sa Taipei Nangang Exhibition Center.
Ayon kay Taiwan Visitor Association chairperson Yeh Chu-lan (葉菊蘭), ang mga tours na tampok sa mga travel expo ay nagiging mas environmentally-conscious na. Sinabi pa niya na may ilang tours ang naglalaan ng mas maraming oras na mamasyal at galugarin ang kalikasan kaysa magpunta sa mga malalaking lungsod.
Ayon kay Yeh, apektado ng pandemiya ang pamumuhay, paggastos, at paglalakbay ng mga tao. Dagdag pa niya, nadagdagan ng 50% ang mga kalahok ng travel fair kumpara ng nakaraang taon.
Ayon pa kay Yeh, iniulat ng World Travel and Tourism Council (WTTC) na maaaring tumaas ng 6% ang GDP ng industriya ng turismo sa susunod na 10 taon. Ito ay dobleng pagtaas kumpara sa naging prediksyon ng WTTC sa kabuoang global GDP ng parehong panahon. Dagdag pa ni Yeh na ang pagtaas ng antas ng industriya ng turismo ay makakalikha ng 125 milyong trabaho sa buong mundo at makatutulong upang mapalakas ang ekonomiya ng Taiwan.
Ito ang kauna-unahang in-person international travel fair sa Taiwan matapos buksan ang bansa noong Oktubre 13. Itatampok sa expo ang mahigit 70 bansa, 40 travel agencies, at mga kinatawan ng 130 hotel at restaurants. Sa kabuoan, mayroong mahigit na 1,200 stands sa kumbensyon.