close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang Mga Kandidato Para sa Mayor ng Taipei ay Kasamang Kumukuha ng Suporta Para sa Darating na Eleksyon

  • 18 November, 2022
  • 呂曉倩
Ang Mga Kandidato Para sa Mayor ng Taipei ay Kasamang Kumukuha ng Suporta Para sa Darating na Eleksyon
Photo from RTI

Ang midterm elections sa Taiwan ay malapit na.  Gaganapin ito sa November 26. Lumalakas ang tensyon habang ang mga kandidato ay nag-aagawan upang makakuha ng higit pang suporta, kung kaya kasama sa pagkampanya ang kanilang pamilya upang makakuha ng higit pang empatiya at boto.


Ang kandidato para sa mayor sa Taipei na si Chiang Wan-an (蔣萬安) ay pumunta sa isang tradisyonal na palengke, binabati ang mga nagtitinda at hinihikayat silang suportahan siya sa darating na eleksyon. Ang asawa ni Chiang ay kasama din nangangampanya sa palengke  para sa kanyang asawa upang makakuha ng suporta.


Ang ilang mga taga-media ay nagtatanong kung sinasadya ni Chiang na imbitahan ang kanyang buntis na asawa sa kampanya, sa paniniwalang ang "paglalaro ng family card" ay maaaring makatulong na makaakit ng mas maraming boto. Tumanggi si Chiang na magkomento sa mga haka-haka na ito.


Hindi lang si Chiang ang nag-iisang kandidato sa mayor ng Taipei na humaharap sa publiko kasama ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Si Chen Shih-chung (陳時中) ay umakyat sa stage kasama ang kanyang asawa sa isang konsiyerto noong Linggo, ngunit sinabi niyang hindi lang ito isang pakana para makuha ang empatiya ng mga tao.


Sinabi ng kandidatong si Huang Shan-shan (黃珊珊) na marami sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga tauhan ng militar, kaya hindi sila makakasama sa kanya sa panahon ng kanyang kampanya dahil sa mga obligasyon sa trabaho. Ngunit sinabi niya na nakakaramdam pa rin sila ng kanyang pamilya na makakuha pa rin sila ng suporta mula mismo sa mga residente ng Taipei.

Comments

Latest Newsmore