close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Kailangang maghanda ang Taiwan sa anumang labanan: Defense specialist

  • 01 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Kailangang maghanda ang Taiwan sa anumang labanan: Defense specialist
Chairman Huo Shouye (Central Broadcasting Archives/Photographed by reporter Wang Zhaokun)

Nagsimula ang 2022 Taipei Security Dialogue. Ang tema ngayong taon ay “China and the world in crisis.”

Sama-samang nagpulong sa event ang ilang mga iskolar at espesyalista mula sa iba’t ibang bansa upang pag-usapan ang tungkol sa larangan ng seguridad at depensa. Ito ay pinangunahan ng think tank ng Defense Ministry ng Institute for National Defense and Security Research.

Isa sa mga nagtalumpati sa forum ang institute chairman Huoh Shouu-yeh (霍守業) na nagsabing ang digmaan sa Ukraine ay hindi lang kumprontasyon ng dalawang bansa kundi labanan sa pagitan ng demokrasya at awtoritaryanismo. Idinagdag pa niya na ang labanan ay nagdulot ng pagpuna sa China at ang pressure na ibinibigay nito sa Taiwan.

Ayon pa kay Huoh, mahigit 70 taon na ring nagbibigay ng pressure ang China sa Taiwan sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Idinagdag pa niya na hindi na ito isyu tungkol sa kung aatakihin ba ng China ang Taiwan. Binigyang-diin din ni Huoh na ang paghahanda ng Taiwan para sa posibleng krisis ay dapat maunawaan bilang isang paraan ng pagpipigil at hindi paghahamon. Sabi pa niya na pinahahalagahan ng Tawian ang kapayapaan at naghahangad na masolusyunan ang mga problema sa cross-strait sa pamamagitan ng kumpetisyon.

Comments

Latest Newsmore